in

ACTUAL FOOTAGE ng pag-collapse ni Eddie Garcia habang nasa taping ng isang telenovela

Isinugod sa Mary Johnston Hospital ang batikan at beteranong aktor na si Eddie Garcia matapos matumba habang nasa taping sa Katuparan Tondo, Maynila.

Si Manoy Eddie ay na-comatose dahil sa matinding init ng panahon habang nagsasagawa ng taping ng Rosang Agimat na nagsisilbing comeback project niya sa GMA-7.

Nakunan naman sa video ng netizen na si Mhervien Maco ang aktuwal na pagtumba ni Manoy Eddie.

Kapansin-pansin na napatid muna ito sa isang kable at tuluyang hindi na nakatayo sa pagkakatumba.

div class=”fb-video vertical-1-3″>

Sa ngayon ay nagpapagaling na ang 90-anyos na aktor sa St. Lukes Medical Center sa Quezon City.

“He is still under critical observation and all his doctors are doing their best to assure that he gets the best care.”

Nagpasalamat naman ang pamilya ni Manoy Eddie dahil sa buhos ng mga panalangin para sa paggaling nito.

“Our family would like to extend our sincerest gratitude to all those who have expressed concerns and extended prayers.”