in

Pulis na nangongotong sa hinuling drug suspect, nakatikim ng galit ni NCRPO Chief Guillermo Eleazar

Nagpupuyos sa galit si National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Guillermo Eleazar nang tumambad sa Marikina Police matapos mahuli, ang isang pulis na nangongotong ng pera kapalit ng pag-abswelto sa kasong droga sa isang drug suspect.

Ayon sa NCRPO, kumuha si Quibete ng P60,000 at isang gintong alahas kay Eva Cabansag, ang kinakasama ng durugista na si Aries Ochoada, para makalaya ito.

“Hiningan kami ng P200,000. Sabi ko, ‘di ko kaya. Sabi P100,000 na lang, hindi pa rin kaya. Kung ano na lang meron kami. May pinapirmahan pang deed of sale nung motor naming na kunwari binenta ko sa kanila,” sabi ni Cabansag.

Maging ang motorsiklo umano ay pinag-interesan ni Quibete na pilit na pinapirmahan ang deed of sale nito.

Nahuli si Quibete sa isang entrapment operation ng Regional Special Operation Unit ng NCRPO matapos nitong tanggapin ang P20,000 marked money sa tapat ng isang fastfood restaurant sa Barangay Santolan, Pasig City.

Napag-alaman din sa imbestigasyon na maging mga tauhan at hepe ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) ng Eastern Police District (EPD) kung saan nakatalaga si Quibete ay kasabwat sa transaksyon.

Nakita kasi sa cellphone ni Quibete ang text sa pagitan ng kaniyang hepe at kasamahan nito tungkol sa pangingikil.

Dahil dito, sinibak at mahaharap sa kasong robbery at extortion ang lahat ng pulis na nakatalaga sa nasabing unit.

“Pinatawag ko iyung iba kagabi, tinatawagan ng kanilang district director, pero hindi na po lumutang. Natakot na siguro dahil sa stiwasyon at namonitor nila na naaresto na itong kasamahan nila,” ani Eleazar.

PANOORIN: NCRPO CHIEF ELEAZAR, NAGPUYOS SA GALIT SA ISANG PULIS NA NANGINGIKIL SA MGA NAHUHULING SUSPEK

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Loading…

0