fbpx

Mocha Uson kay Jim Paredes: Ilang beses mo tinira ang Pangulo? Huwag kasing magmalinis



Nakatikim ng mga patutsada mula kay Mocha Uson si Jim Paredes, ang viral sensation ngayon sa social media dahil sa scandal video.

Mababatid na kumalat sa social media ang scandal ni Paredes na may ka-video call at padila-dila pa sa harapan ng camera habang nilalaro ang maselang parte ng katawan.

Dahil dito ay hindi na nag-atubiling resbakan ni Uson si Paredes sa mga pagmamalinis nito.

Isa sa mga binatikos ni Uson ay ang ilang beses na pagtira ni Paredes laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

“Alam mo ang problema sayo hindi naman yang pag video na nagsosolo. Walang pakialam ang tao kung gawin mo yan. Buhay mo yan. Lahat naman tayo merong pribadong buhay. Ang problema kasi yung pagiging pagmamalinis mo. Ilang beses mo tinira ang Pangulo sa kanyang mga salita at gawa na may kaugnay sa babae yun pala ikaw ang ganun,” resbak ni Mocha.

READ:  Binatilyo na labis mag-cellphone, isinugod sa ospital dahil sa kakaibang naramdaman

Ayon pa kay Uson, kilala niya raw ang pagkatao ni Paredes at hindi aniya ito binanatan ng husto noon kahit panay ang batikos sa kanya.

“Mr. J. Paredes alam mong alam ko ang tunay mong pagkatao. Hindi na nga kita pinuruhan dati kahit panay ang banat mo sa akin dahil matanda ka na at marunong akong rumespeto sa mga nakakatanda pagdating sa mga musikero dahil isa din akong artist. Kaya ayan KARMA na ang humabol sayo. Wag kang mag alala may bukas pa. May panahon pa magsisi. Wag po kasing magmalinis,” buwelta ni Mocha.

Binanggit din ni Uson ang tungkol sa iba pang media personalities na nagmamalinis at nagkukunwaring disente. Nagbigay naman si Uson ng pahiwatig kung sino ang mga ito.

“Itong pangyayari na ito ay isang babala sa mga naglilinis linisan. Marami pa akong kilalang mga disente kuno na media personality pero matindi ang kamanyakan. Wag niyong kalimutan dati akong nasa industriya ninyo at kilala ko ang mga binobook ninyo. Kaya umayos kayo. PLS LANG. WAG AKO,” pagsisiwalat ni Mocha.

READ:  Lolong nagtitinda ng saging na binayaran ng pekeng P1,000, naiyak sa lungkot

“Ikaw matandang ubo ng ubo. Araw araw mo akong binabanatan noon sa programa mo. Antay ka sa karma. Alam ko sikreto mo. At ikaw namang mahilig sa pipino panay banat mo din sa akin na wala akong karapatan manilbihan sa gobyerno dahil isa lang akong hamak na sexy dancer dati. Ingat baka ma ospital ka dyan, O na ospital na nga ba?,” dagdag ni Mocha.

Inamin naman ni Uson na naging sex blogger siya sa isang sexy magazine dati at nagbibigay payo sa mga problema ukol sa sexual health.

“Nakalimutan ata nitong mga disente na ito na dati akong SEX BLOGGER sa isang sexy magazine. Humihingi pa nga kayo ng advise dahil may problema kayo kay junjun. Tamad na kasi. Iba pa sa inyo nag aaya pa ng threesome kasama jowa niyo. Kaya pls lang wag ako. Baka nakakalimutan niyo din ata kilala ko ang bugaw sa industriya dahil nagsusumbong sila sa akin pag may mga nag aapply sa Mocha Girls na nag wawalk para hindi ko na tanggapin. Winawarningan na nila ako kaagad dahil alam nila na ang grupo ko ay sexy lamang sa show pero off stage mga inosente talaga,” ani Mocha.

READ:  Netizen, ibinahagi ang umano'y sirang fire exit ng Ascott Makati nang mangyari ang magnitude 6.1 na lindol

Aniya, natatawa na lang siya dahil sa mga media personality na nagpapanggap na disente pero ang totoo umano ay mga manyakol.

“At nakwekwento din nila ang mga disente kunong media personality pero ang totoo manyakol. Kaya natatawa nalang ako pag napapakinggan ko mga banat nila kay PRD na keso manyak. Napapa- look who’s talking- nalang ako. SO PLS LANG DONT ME,” dagdag ni Mocha.


Like it? Share with your friends!

Leave a Comment