in

Pagpatay sa 16-anyos na babae sa Cebu, ginagamit para ibalik ang death penalty ayon sa Gabriela

Nababahala umano ang grupong Gabriela na baka ginagamit lang ang brutal na pagpatay kay Christine Silawan, 16-anyos at grade 9 student mula sa Lapu-Lapu City, Cebu para ibalik ang pagpapatupad ng death penalty sa Pilipinas.

“We strongly condemn this monstrous act as we join calls for a thorough investigation so that justice may be attained. We are however wary that this death is now being used to push for the reimposition of the death penalty,” pahayag ng grupo.

Bunga nito’y itutuloy umano ng Gabriela ang “Labanan Ang Abuso” campaign nila sa mga susunod na araw at hinikayat ang mga kababaihan na magparehistro para labanan ang tumataas na kaso ng sexual abuse at pambabastos sa mga babae.

Mababatid na dahil sa brutal na pagpatay sa 16-anyos na dalagita ay umugong ang mga panawagan ng mga netizen na ibalik ang death penalty sa bansa.

Si Silawan ay natagpuang walang buhay, walang saplot pang-ibaba at binalatan ang mukha noong Lunes, Marso 11, sa Barangay Bangkal, Lapu-Lapu City.

PANOORIN: DEATH PENALTY SA PILIPINAS, IBALIK! KUMUKONTRANG SENADOR, HUWAG IBOTO

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Loading…

0