fbpx

Batas sa mas malaking plaka ng motorsiklo at tricycle, pirmado na ni Pangulong Duterte



Pinirmahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na nagtatakda ng mas malaking plaka sa mga motorsiklo at tricycle na ikakabit sa harap at likod.

Sa ilalim ng Republic Act 11235 o Motorcycle Prevention Act, inaatasan ang Land Transportation Office (LTO) na magpalabas ng mga mas malaki, mas madaling mabasa, at color-coded license plates ng mga motorsiklo.

Dapat din na mababasa ang plaka hanggang sa layo na 15 metro at ilalagay sa harap at sa likod ng motorsiklo.

Kailangang color-coded din ang mga plaka sa bawat rehiyon para mas madaling matukoy kung saan ito nakarehistro.

“The utilization of voluntary and paid labor from prisoners shall be among the requirements to bid for the procurement of the number plates under this Act,” ayon sa batas.

Inatasan ang LTO na ilabas ang mga bagong plaka pagkatapos ng December 31, 2019.

Ang mga motorsiklo na hindi tugma sa bagong ipatutupad na plaka ay kailangang magparehistro muli bago sumapit ang June 30, 2019.

READ:  17-anyos na suspek sa pagpatay kay Christine Silawan sa Cebu, nahuli na ng NBI

Nakapaloob sa Motorcycle Prevention Act na prison correccional o pagkakulong ng 6 hanggang 12 taon o kaya’y multa ng aabot mula sa P50,000 pero hindi hihigit sa P100,000 ang kakaharapin ng sinumang lalabag sa batas.

Inatasan naman ang Department of Interior and Local Government (DILG) na tiyaking mayroong impounding area ang lahat ng local government units (LGUs) dahil kasama sa parusa ang pagkumpiska sa motorsiklo o tricycle ng isang violator.

Una nang tinutulan ng ilang rider groups ang naturang batas dahil sa mapanganib raw ang paglalagay ng mas malaking plaka sa motorsiklo.

“If we place plates that are too big and will be affected by wind, there’s no assurance that the mounting points will hold these plates in place,” sabi ni Joebert Bolanos ng Riders of the Philippines.

Ipinatupad ang naturang batas dahil nagagamit umano ang mga motorsiklo sa mga krimen.

Ayon sa datos ng Philippine National Police (PNP), mula 2010 hanggang 2017, mayroong 28,409 motorcycle riding crimes o incidents na naiulat.

READ:  M/S Europa, dumaong sa Tagbilaran Port; ikatlong international cruise ship na dumaong sa Bohol ngayong 2019

Sa naturang bilang, 13,062 o 46 porsiyento ang sangkot sa pamamaril.

Sa mahigit 4,000 insidenteng nabanggit noong 2016, lumitaw na walong kaso lang ang nalutas.


Like it? Share with your friends!

Leave a Comment