Pangulong Duterte at Mayor Sara Duterte, nanguna sa Pulse Asia survery para sa 2022 national elections

Nanguna ang sina Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio at Pangulong Rodrigo Duterte sa pinakabagong Pulse Asia survey para sa posibleng presidential at vice presidential candidates para sa Halalan 2022.

Sa resulta ng survey na isinagawa mula June 7 hanggang June 16 na nilahukan ng 2,400 respondents, si Inday Sara ang most preferred candidate para sa pagka-pangulo na nakakuha ng 28%.

Sumunod si Manila Mayor Isko Moreno na may 14%, dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na may 13%, at Senador Grace Poe na may 10%.

Nakakuha naman si Senador Manny Pacquiao ng 8% habang si Vice-President Leni Robredo ay may 6%, at Senador Panfilo Lacson na may 4%.

Si Senador Bong Go ay nakatanggap ng 3% habang sina dating Vice-President Jejomar Binay, Taguig City-Pateros Representative Alan Cayetano at dating Senador Antonio Trillanes IV ay may tig-2%.

Para naman sa mga posibleng kandidato sa pagka-bise presidente, nanguna sa listahan si Pangulong Duterte na nakakuha ng 18%.

Sumunod si Moreno, 14%; Senate President Vicente Sotto III, 10%,; Marcos, 10%; Pacquiao, 9%; Cayetano, 8%, at Sorsogon Governor Francis Escudero na nakakuha ng 7%.

Nakatanggap naman si Go ng 5% habang ang “Wowowin” host na si Willie Revillame ay may 4% at Senador Sonny Angara na may 3%.

Sina Trillanes at Public Works Secretary Mark Villar ay may tig-2% habang si Teodoro ay nakatanggap ng 1%.