in

Ilang Otso Diretso senatorial candidates, umalma sa hindi pag-endorso sa kanila ng El Shaddai

Tila hindi matanggap at kinuwestyon ng ilang miyembro ng Otso Diretso ang mga kandidatong susuportahan ng Catholic Charismatic Group na El Shaddai.

Magugunitang inanunsyo na ng grupo ang 14 na kandadato sa pagka-senador na kanilang susuportahan sa nalalapit na midterm elections.

Ayon sa ilang Otso Diretso senatorial candidate tulad ni Erin Tañada, may posibilidad na mawalan ng taga-supporta ang El Shaddai kung hindi nito maipapaliwanag ang ginawa nilang pagpili.

“Ano ba ang ibig sabihin ng honesty sa kanila? Kung hindi nila maipapaliwanag yan eh baka mamaya ay mawalan rin sila ng mga supporters,” sabi ni Tañada.

Umapela naman si Samira Gutoc sa pamunuan ng El Shaddai na ikonsidera ang kanilang grupo.

“Pasensya na po El Shaddai, I appeal that you consider me, consider us sa Otso Diretso dahil kami po ay voice of the conscience,” dagdag ni Gutoc.

Umaasa naman sina Atty. Romulo Macalintal at Chel Diokno na makakakuha ng supporta mula sa mga katoliko at mga millennials.

“Hindi papayag ang mga katoliko na bastusin ang ating Panginoon at bastusin ang ating pananampalataya at ating kaparian,” banat ni Macalintal.

Nabatid na 10 sa 14 na kandidato na susuportahan ng religious group ay galing sa Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan (PDP-Laban) at Hugpong ng Pagbabago ni Davao City Mayor Sara Duterte.

Ito ay sina:

  • Reelectionist Sen. Cynthia Villar
  • Reelectionist Sen. Aquilino “Koko” Pimentel III
  • Reelectionist Sen. Sonny Angara
  • Reelectionist Sen. Joseph “JV” Ejercito
  • Ilocos Norte Gov. Imee Marcos
  • Dating Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr.
  • Dating Sen. Jinggoy Estrada
  • Christopher “Bong” Go, dating Special Assistant to the President (SAP)
  • Francis Tolentino, dating Presidential Political Adviser
  • Ronald “Bato” Dela Rosa, dating hepe ng Bureau of Corrections

WATCH: ILANG OTSO DIRETSO PINUNA ANG PAG-ENDORSO NG EL SHADDAI SA MGA KATUNGGALI