in

SEC, naglabas ng advisory sa 22 investment scams na naghahanap ng mga investors sa social media

Nagpalabas ang Securities and Exchange Commission (SEC) ng advisory laban sa 22 panibagong investment scams na kumakalat ngayon sa social media.

Ayon sa SEC, hindi rehistrado sa komisyon bilang isang korporasyon o partnership man ang mga investment companies na naghahanap ng mga investors sa pamamagitan ng Facebook, YouTube, Twitter, LinkedIn, at iba pang social media sites.

“Investors are increasingly turning to social media, including Facebook, YouTube, Twitter, LinkedIn and other online networks for information about investing,” ayon sa SEC.

Ang mga kumpanyang tinukoy ng SEC ay ang mga sumusunod:

  • MGA Business Enterprises
  • Coophub Multimedia Services
  • Jogle Innovative Marketing
  • Global Dream Zion
  • Grappler
  • Sherpan
  • BCT Marketing/BCT Motorcycle and Car Trading
  • RTM/RTM Pharmacy and General Merchandise
  • Diamond Marketing
  • Fusion Marketing
  • FMarket
  • Cirfund
  • Vibearn
  • Onepro
  • BCC/BCC Cosmetics Trading
  • Unlishop Compensation Plan Marketing
  • VUCC
  • Bitrain
  • Tcoin
  • Crowd Royals
  • ADA Farm Agri Venture
  • Nermie Marketing/Nermie Health and Beauty Products Trading

Samantala, hinimok ng Philippine National Police (PNP) ang publiko na isumbong ang mga investment scam sa awtoridad at magsampa ng kaso.

Ito ang pahayag ni PNP spokesperson Colonel Bernard Banac matapos maiulat na ilang pulis ang nasasangkot sa ilegal na gawain.

Giit ni Banac, ang pormal na pag-uulat ng investment scam ay mag-aalerto at magbibigay paalala sa publiko tungkol sa naturang ilegal na gawain.

Aniya, kakaunti lang ang naparurusahan sa investment scam dahil ang mga pumapalag na biktima ay pumapayag na makipag-alegro.

Gayunpaman, nagbabala si Banac dahil madalas na hindi tumutupad sa usapan ang mga suspek at imbis na ibalik ang pera ay nagtatago na lamang.