≡ Menu

Sen. Bato dela Rosa kay Bayan Muna Rep. Carlos Zarate: Anong klaseng parent ka? Hindi ka ba naaawa?

Sen. Bato dela Rosa kay Bayan Muna Rep. Carlos Zarate: Anong klaseng parent ka? Hindi ka ba naaawa?

May bwelta si Senator Ronald “Bato” dela Rosa kay Bayan Muna Representative Carlos Zarate dahil hindi nito nagawang ibalik ang nawawalang estudyante sa kanyang mga magulang.

“I tell you, I tell you Congressman Zarate, you are also a parent, if you are responsible parent, alam mo umiiyak ang mother, hindi ka ba naawa sa mother? Tinulungan mo na sana inihatid mo ang bata sa mother?,” himutok ni Dela Rosa.

“Anong klaseng parent ka? Nakita mong grabeng hirap ng parent tapos ikaw andiyan, presscon-presscon mo pa. Sa loob ng Congress pinapa presscon mo ang isang bata na, as far as the parent is concerned, is missing dahil hindi niya nakikita. Ngayon nadyan sa harapan mo?” dagdag niya.

Ang tinutukoy ni Dela Rosa ay si Alicia Lucena, dating senior student ng Far Eastern University (FEU) at anak ni Russel Lucena, na ilang buwan na umanong nawawala matapos sumanib sa grupong Anakbayan.

Habang nagsasagawa ng pagdinig ang Senate Public Order and Dangerous Drugs Committee, inilutang naman ni Zarate at iba pang miyembro ng Makabayan Bloc si Alicia para sa isang press conference sa Kamara.

Pero hindi natuwa si Dela Rosa sa ginawang paggamit ni Zarate at iba pang kongresista kay Alicia.

“Dapat ang ginawa mo, eto pareho tayong father, dapat ‘ibalik’ bata sa grieving mother. At least you’ve done an amount of kindness as a public servant to grieving mother,” ani Dela Rosa.

Binatikos pa ng Dela Rosa ang mga militanteng kongresista dahil ginagamit lang umano nila ang kanilang posisyon para sirain ang gobyerno.

“Too much of pagbibigay ng mga taong ito. Kawawa ang gobyerno. They are joining the government to destroy the government. It is very clear, ano pa ba ang ginagawa nila? Bakit ganoon? Naglolokohan lang tayo dito,” giit niya.