in

Batang babae, pansamantalang naparalisa dahil sa kagat ng garapata

Isang 7-anyos na batang babae mula sa Colorado, sa United States of America, ang naparalisa dahil sa kagat ng garapata.

Ang batang si Jenna ay galing umano sa overnight camping at nakitaan ng ilang garapata sa ulo pag-uwi sa kanilang bahay mula sa summer camp.

Ibinahagi ni Heidi Ganahl, ina ni Jenna, sa social media ang pangyayari upang mabigyan ng paalala ang mga magulang na may mga anak na tulad niya.

Ayon sa Facebook post ni Mrs. Ganahl, dahil sa takot ay isang linggo muna ang lumipas bago siya nagkaroon ng lakas ng loob na ikuwento ang nangyari sa anak upang maalerto ang ibang mga magulang.

Aniya, nang umuwi sa bahay si Jenna ay napansin niya na may ilang garapata sa buhok ng anak.

Dahil dito, agad raw niyang tinanggal ang mga iyon at itinawag sa doktor ang pangyayari nang mapansin na may bite wounds sa ulo ang bata.

Makalipas ang sampung araw, bigla na lang nawalan ng pakiramdam ang mga binti ni Jenna.

Nang hindi bumuti ang lagay ng anak kinabukansan ay nagpasya si Mrs. Ganahl na dalhin ito sa Children’s Hospital sa payo na rin ng kanilang doktor.

Mabilis namang natukoy ng mga doktor ang karamdaman ng bata – tick paralysis. May nauna nang dalawang kaso na ganoon sa mga nagdaang linggo sa kanilang lugar kaya nakita agad ng mga doktor ang pagkakapareho ng mga ito sa kaso ni Jenna.

Ang tick paralysis, ayon sa Centers for Disease Control and Prevention, ay sanhi ng toxin mula sa laway ng garapata.

Sa loob ng 24 oras ay mawawala na ang pagkaparalisa kapag nalinis na ang bite wounds.

Ang payo ni Mrs. Ganahl sa kapwa magulang, kapag nakakita ng garapata na nakakapit sa anak ay agad alisin iyon gamit ang tsani at hugasang mabuti ang sugat para masiguro na walang toxin na maiiwan.

BASAHIN ANG BUONG FACEBOOK POST NI MRS. GANAHL:

It’s taken me a week to write this as it was so scary but I want to tell my friends with little ones in their lives to be on alert.

Jenna, our lil 7 year old, came home from her first overnight camp with a couple ticks on her head hidden in her hair. I took them off, called the dr and kept an eye on the bite wounds.

10 days later her foot and shin went to “sleep” and was still that way Saturday am. Had a bad feeling, called the dr and they said bring her in – I took her to Children’s Hospital at Anschutz.

She had Tick Paralysis – it was only caught because of the great docs (most CU School of Medicine) that recognized the similarities to two other cases in recent weeks there (it’s extremely rare so it was very abnormal to see 3 cases in 3 weeks).

It was a terrifying 12 hours as we waited to see if they were able to remove the tiny bit of tick left in her producing the toxin had been cleaned out of the wound (they didn’t see it). The only fix is to get it out or things get very bad.

She is ok! Other then never wanting to go into the woods again.

I learned more about ticks than I ever wanted to know – the wet weather makes for a bad tick season, check your little ones often, if you find one remove them with tweezers and scrub the wound to clean it out thoroughly with soap and water to make sure you get it all, then watch for symptoms for 14 days. Take it seriously this year.

And give your lil ones an extra hug today, life is precious.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Loading…

0