in

Suspek sa hit and run sa Pasig City, nahaharap sa patong-patong na kaso matapos sumuko

Sumuko na sa pulisya ang driver ng kotseng sangkot sa hit and run incident na ikinasawi ng isang babae at ikinasugat ng kanyang kinakasama sa Pasig City.

Makikita sa isang viral video na binabagtas ng motorsiklo ng mga biktima ang Marcos Highway nang sagiin sila sa bandang likuran ng kotse. Bumulagtad ang mga biktima habang tumakas palayo ang sasakyan.

Kinilala naman ang suspek na si Adrian Russel King Carlos, 29-anyos, presidente at general manager ng isang kumpanya.

Batay sa ulat, kusang nagtungo si Carlos sa Pasig City Police Headquarters para sumuko matapos mabangga ang maglive-in partner na sina Rossana Ugto at Mark Joseph Belen habang binabaybay ang Marcos Highway sakay ng motorsiklo.

Giit ni Carlos na pinag-isipan niya pang mabuti kung siya nga ang suspek sa nag-viral na video ng hit and run incident dahil hindi aniya alam na kanyang tinamaan ang maglive-in partner.

Iginiit din nitong hindi siya lasing o lango sa iligal na droga noong gabi na mangyari ang insidente.

Kasabay nito, humingi ng tawad si Carlos sa mga biktima at nangakong sasagutin ang gastos sa ospital at pagpapalibing sa nasawing babae.

Samantala, sinabi ni Pasig City Police Chief Rizalito Gapas na kanilang isasailalim sa inquest proceedings si Carlos para masampahan ng patung-patong na kaso tulad ng reckless imprudence resulting in homicide, damage to property at physical injury.

Mababatid na inere sa Aksyon sa Tanghali ang viral video at nanawagan ang kaanak ng mga biktima sa Raffy Tulfo in Action Facebook Page at YouTube Channel.

Dito ay naglagak ng ₱500K reward si Raffy Tulfo sa sino mang makapagbibigay ng impormasyon tungkol sa salarin.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Loading…

0

Leave a Comment