in

Binatilyo na labis mag-cellphone, isinugod sa ospital dahil sa kakaibang naramdaman

Usap-usapan ngayon ang ibinahaging Facebook post ng inang si Lilibeth Eulin tungkol sa binatilyo niyang anak na si Robin kung saan nakaranas ng kakaibang karamdaman dahil umano sa sobrang paggamit ng cellphone.

Nagtaka si Lilibeth sa kakaibang kinilos ng anak na parang nababaliw. Pinapawisan daw ito kahit na naka-aircon sila at nagreklamong nahihilo.

Hindi rin daw mapakali ang anak na aniya tumatayo, umuupo at tila hindi nito malaman ang kanyang ginagawa.

Naisip din ni Lilibeth na baka nakagat ng asong ulol ang anak dahil pareho halos ang ginagawa nito sa nakagat ng aso.

Nilinaw naman ni Robin na hindi siya nakagat ng aso na mas lalong kinabahala ng ina.

Sa takot ng ina, naisip nitong baka tumalon ang anak gayung nasa 5th floor sila ng gusali.

Kaya naman nagdesisyon na si Lilibeth na isugod sa ospital ang anak kahit pa dis oras na ng gabi.

Sinabi ng doktor na normal ang blood pressure ni Robin. Kaya agad itong binigyan ng pampakalma at pampawala ng hilo.

Gayunpaman, minabuti pa rin ng doktor na obserbahan si Robin sa loob ng tatlong araw kasama na rin ang kanyang pagpapahinga.

Dito na nalaman ng ina, na ang dahilan ng kakaibang nangyari sa anak ay ang sobrang paggamit ng gadgets o cellphone.

Giit ni Lilibeth na napatunayan niyang totoo ito dahil sa nakita mismo niya ang dinanas ng anak.

Kahit dati raw kasi ay hindi siya naniniwala sa mga nababasa sa internet ukol dito.

Sana ay magsilbing babala raw ang nangyari sa kanyang anak sa iba, bata man o matanda dahil tulad nga ng kasabihan, anumang labis ay nakasasama.

BASAHIN ANG BUONG POST NI LILIBETH MULA SA KANYANG FACEBOOK PROFILE: