fbpx
≡ Menu

Archbishop Socrates Villegas, itinangging nakipagpulong kay Bikoy para pabagsakin si Pangulong Duterte

Itinanggi ni Archbishop Socrates Villegas ang balitang sangkot siya sa “Project Sodoma” para patalsikin si Pangulong Rodrigo Duterte.

Matatandaang isa si Villegas sa mga tinukoy ni Peter Joemel Advincula altas Bikot na nakipagpulong umano sa Ateneo de Manila University noong para planuhin ang pagpapatalsik sa Pangulo at matalo ang mga pro-administration senators nitong katatapos na halalan.

Ayon kay Advincula, bahagi raw ito ng “Project Sodoma” na nilikha ni Sen. Antonio Trillanes para mailuklok si Vice President Leni Robredo bilang Pangulo.

“I am a priest. My mission is to continue the love of Jesus Christ and to teach His Truth always. I believe in the power of electing officials; that is why I have tried my very best, as a priest and as a Filipino, to morally guide the people entrusted to my pastoral care. I cannot and will never lend a hand to use illegal or violent means for social change. Such will weaken our democratic foundations. This is contrary to my Christian conscience,” sabi ni Villegas sa isang pahayag.

Paliwanag pa ni Villegas, imposibleng pumunta siya sa pulong na tinutukoy ni Bikoy dahil may iba siyang pinuntahan noong araw na ‘yon.

“On the day and time, December 12, 2018 in the evening, that I allegedly met with some plotters to overthrow the government, I was in the parish church of Orani in Bataan to deliver the homily at the first Mass of a friend newly ordained priest. As a mortal being like the rest of us, I have no capacity to be in two places at the same time,” dagdag ni Villegas.

Una nang sinabi ni Philippine National Police (PNP) Chief Oscar Albayalde na maaari nilang ipatawag sina Villegas, at iba pang mga obispo, para sagutin ang mga akusasyon.

Maliban sa mga obispo, iniugnay rin ni Bikoy sina Risa Hontiveros, Leila De Lima, Chel Diokno, Gary Alejano, Romulo Macalital, Pilo Hilbay, Bam Aquino, Samira Gutoc at Erin Tañada.