fbpx
≡ Menu

Mayor Isko Moreno nakatanggap ng buong suporta sa Duterte administration: Huwag ka bibitaw, nandirito ang pamahalaang Duterte

Mayor Isko Moreno nakatanggap ng buong suporta sa Duterte administration: Huwag ka bibitaw, nandirito ang pamahalaang Duterte

Isusulong ng Department of Transportation (DOTr) ang iba’t ibang infrastructure project sa lungsod ng Maynila katuwang ang ibang transportation agency sa bansa.

Sa kanyang courtesy visit kay Manila Mayor Isko Moreno, sinabi ni DOTr Sec. Arthur Tugade na handang makipagdayalogo ang kinatawan ng DOTr sa mga opisyal ng lungsod.

Layon nito na matugunan ang usapin sa transportasyon sa lungsod at iba pang mga katungkulan sa paglapalago ng ekonomiya sa ilalim ng isusulong na infra projects ng gobyerno.

Personal namang nagpasalamat si Mayor Isko sa mga ahensya ng bansa na patuloy na nakikipag-ugnayan sa kanyang lungsod.

Tiniyak naman ni Tugade na handa ang kanyang tanggapan at kaakibat na ahensya ng kagawaran na makipagtulungan sa pakikiisa sa sinasabing bagong political will ni Mayor Isko.

Hinikayat din niya si Mayor Moreno na huwag bibitaw sa mga inumpisahang pagbabago sa lungsod.

“Bumulong ako sa kanya at sinabi ko: ‘Boss, wag kang bibitaw. Nandirito kami at nandirito ang pamahalaang Duterte, nandirito ang Kagawaran ng Transportasyon. Wag kang bibitaw,” sabi ni Tugade.

Ikinatuwa naman ni Mayor Isko ang pagbisita ng kalihim sa kanyang tanggapan.

“Words inspire people but actions speak louder than words. This is just a way of appreciating because I’ve been asking for help and the first secretary who went here, Cabinet, you know he is representing the President technically speaking,” saad ng alkalde.

“So his visit here, it’s something I am happy about. It’s touching,” dagdag pa niya.

Magugunita na hindi lang si Tugade ang nagpakita ng paghanga kay Mayor Isko dahil nitong mga nagdaan na araw ay naglabas din ng pahayag si Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Eduardo Año dahil sa pagpapakita nito ng “strong political will”.

“Manila is the showcase of the Philippines. It is the first place foreigners see when they come to our country, so I’m pleased that in the first weeks of his administration, Mayor Isko has already shown that the challenges of the city are not insurmountable and can be addressed with political will and commitment,” saad ni Año.

Kabilang sa pinapurihan ni Año ang pagpupursigi ng alkalde na malinis ang Divisoria at iba pang pangunahing kalsada sa lungsod maging ang waste-management program, pagtatanggal ng bara sa mga daanan ng tubig at iligal na sugal.

Maliban kay Mayor Isko, hinangaan din ni Año si Pasig Mayor Vico Sotto at iba pang bagong local chief executive na maganda na ang ginagawa sa unang 100 araw pa lang ng mga ito sa serbisyo.