in

Bikoy, isiniwalat ang higit 15 indibidwal na umanoy sangkot sa Project Sodoma laban kay Pangulong Duterte

Kabilang sa iimbestigahan ngayon ng Philippine National Police (PNP) ang mga personalidad na idinawit ni Peter Joemel Advincula alyas Bikoy sa kanyang sinumpaang salaysay.

Kasama sa listahan sina Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas, Caloocan Bishop Pablo Virgilio David at dating Education Secretary Armin Luistro.

Batay sa sinumpaang salaysay ni Bikoy, nakapulong nito ang mga nabanggit na opisyal sa magkakahiwalay na pagkakataon sa ilang unibersidad sa Metro Manila para umano sa planong pagpapabagsak sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Kabilang sa nabanggit sa affidavit ni Bikoy na naka-interact niya sa pagsagawa ng Project Sodoma ay ang mga sumusunod:

  1. Sonny Trillanes
  2. Riza Hontiveros
  3. Leni Robredo
  4. Vicente Romano
  5. Bro. Armin Luistro
  6. Eduardo Acierto
  7. Atty. Teodoro Tee (Te?)
  8. Atty. Chito
  9. Atty. Fil na staff ni Leila De Lima
  10. Yolly Villanueva Ong
  11. Dan Sungco
  12. Fr. Alejo
  13. Fr. Flavie Villanueva
  14. Chay Hofilena
  15. Bishop Pablo David
  16. Bong Enriquez (videographer)
  17. JM Saracho (narrator sa video)

Ayon naman kay PNP Chief Police General Oscar Albayalde, nasa proseso na sila ng pag-validate sa mga alegasyon ni Bikoy at patuloy ang pangangalap nila ng ebidensya.

Nais rin ng PNP na ipatawag ang mga personalidad na idinawit ni Bikoy sa sinumpaang salaysay para makunan ng pahayag.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Loading…

0

Leave a Comment