in

6-lane Quirino Bridge II bukas na sa publiko matapos laanan ng P58-M pondo para sa rekonstruksyon

Madadaanan na ng mga motorista ang Quirino Bridge II o mas lalong kilala na Concordia Bridge sa Quirino Highway sa Paco, Manila, ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

Ayon kay DPWH Secretary Mark Villar, makatutulong ang muling pagbubukas ng bahagi ng tulay sa daloy ng trapiko sa mga siyudad sa Manila, Pasay pati na Quezon.

Kinokonekta ng Quirino Bridge II ang siyudad ng Manila, Pasay at Makati sa gitna at silangang bahagi ng Metro Manila.

Matatandaan na ang Quirino Bridge II ay pansamantalang isinara noong 2018 upang bigyang daan ang kontraksyon ng Metro Manila Skyway Stage 3 Project na nagkakahalaga ng P58 million.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Loading…

0

Leave a Comment