in

Castillejos, Zambales, niyanig ng 6.1 magnitude na lindol; naramdaman sa iba’t-ibang panig ng Luzon

(UPDATED)
Base sa report ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS-DOST), magnitude 6.1 ang lindol na naitala sa 2km northeast ng Castillejos, Zambales kaninang alas-5:11 ng hapon.

Naramdaman rin ang lindol sa mga kalapit na lalawigan kabilang na ang Metro Manila.

Sinabi ni PHIVOLCS-DOST Usec. Renato Solidum na hindi pa ito major earthquake o ang tinatawag na “The Big One”.

Patuloy pa ang assessment sa naging pinsala ng pagyanig kasabay ang babala na posible pa ring makaramdam ng ilang aftershocks.

SITWASYON NG CLARK INTERNATIONAL AIRPORT MATAPOS ANG 6.1 MAGNITUDE NA LINDOL

ARKO SA PAMPANGA, BUMAGSAK MATAPOS TUMAMA ANG LINDOL

ISANG PARTE NG NORTHBOUND NG SCTEX-FLORIDABLANCA, NABITAK AT UMANGAT

GUMUHO ANG BAHAGI NG PARISH CHURCH NG SANTA CATALINA DE ALEXANDRIA SA PORAC, PAMPANGA

Kitang-kita sa video kung papaano gumalaw ang isang condo sa Quezon City habang niyayanig ng magnitude 5.7 na lindol.

REPORTED INTENSITIES:
Intensity V -San Felipe, Zambales; Malolos at Obando, Bulacan; Quezon City; Lipa, Batangas;
Manila City; Abucay, Bataan; Valenzuela City; Magalang, Pampanga

Intensity IV – Pasig City; Makati City; Caloocan City; Meycauayan at San Jose Del Monte,
Bulacan; Floridablanca, Pampanga; Villasis, Pangasinan; Tagaytay City; Villasis, Pangasinan;
Baguio City; Marikina City; Las Pinas City

Intensity III – Dasmarinas, Indang at Gen. Trias, Cavite; Lucban, Quezon; Muntinlupa City,
Cabanatuan City; Palayan City; Gapan City; Santo Domingo and Talavera, Nueva Ecija

Intensity II – Baler, Aurora

INSTRUMENTAL INTENSITIES:
Intensity V – Angeles City; Malolos, Bulacan;

Intensity IV – Quezon City; San Juan City; Pasig City; Muntinlupa City; Gapan City; Cabanatuan
City; Tagaytay City; San Ildefonso, Bulacan

Intensity III – Mauban, Quezon; Talisay, Batangas; Guagua, Pampanga; Olongapo City

Intensity II – Lucena City; Dolores at Lucban, Quezon; Dagupan City; Daet, Camarines Norte

Intensity I – Guinayangan, Quezon; Calatagan, Batangas; Magalang, Pampanga; Sinait, Ilocos Sur

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Loading…

0

Leave a Comment