in

Pangulong Duterte, ilalabas ang nasa likod ng ‘Bikoy’ propaganda video na isinasangkot ang kanyang bunsong anak

Nakatakdang ilalabas sa publiko ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte ang mga nasa likod ng black propaganda video ng nagpakilalang ‘Bikoy’ na nag-aakusa sa kanya at sa kanyang pamilya na tumatanggap umano ng drug money sa mga drug syndicate.

Sa kanyang talumpati sa campaign rally ng PDP-Laban sa Tuguegarao City, Cagayan, sinabi ng Pangulo na mayroon siyang impormasyon kung sino ang mastermind sa mga gawa-gawang istorya laban sa kanya at sa kanyang pamilya.

Napakinggan aniya ang pag-uusap ng mga nasa likod ng black propaganda video at ilalabas niya ito sa mga susunod na araw.

Sinabi pa ng Pangulo na kaibigang bansa na may kakayahang mapakinggan ang pag-uusap ang nagbigay sa kanya ng impormasyon kaya nalaman kung sino ang mga ito.

“Alam mo, marami ko rin kaibigan sa ibang bayan. What you did not know is that you were being listened to habang ginagawa ninyo ‘yung kalokohan ninyo. Ilabas ko ‘yan in a few days,” ani Pangulo.

Sinabi ng Pangulo na pati ang partner na si Honeylet Avanceña at anak niyang si Veronica o ‘Kitty’ na 14-anyos ay idinamay sa propaganda video.

“Pati ‘yung anak kong si Veronica, 14 years old, drug addict? May ipalabas ako just wait,” dagdag pa ng Pangulo.

Isa aniya itong intelligence report na nagmula sa ibang bansa kaya ibubunyag niya kung sino ang nasa likod ng paninira sa kanya at sa kanyang pamilya, pati na sa kanyang dating security aide na si Bong Go.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Loading…

0

Leave a Comment