in

Konstruksyon ng LRT-1 Cavite Rail Extension Project ng administrasyong Duterte, sinimulan na

Matapos ang 18 taon, sinimulan na ang aktwal na konstruksyon ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) Cavite Extension Project sa pagtutulungan ng Department of Transportation (DOTr), Light Rail Transit Authority (LRTA), at Light Rail Manila Corporation (LRMC).

“We are not doing a groundbreaking today. What we are doing today is actually celebrating the full construction of a dream that was pending in previous administrations and is now a reality,” ani DOTr Secretary Arthur P. Tugade sa kanyang talumpati.

“It has been 18 years, 8 months, and 13 days since the LRT-1 Cavite Extension Project was approved by the NEDA Investment Coordination Committee on August 25, 2000. Ngayon po, matapos ang halos dalawang dekada at makalipas ang tatlong administrasyon ay sa wakas, nandito na ang lahat ng kailangan para umusad at matapos ang LRT-1 Cavite Extension,” dagdag ni DOTr Undersecretary for Railways Timothy John Batan.

Ang naturang konstruksiyon ay bahagi ng ‘Build Build Build’ project ng administrasyong Duterte kung saan masosolusyunan nito ang kalbaryo sa trapik ng mga kababayan nating Caviteño.

Nabatid din na ang naturang proyekto ay pinondohan ng Japan International Cooperation Agency (JICA).

Ang 11.7 kilometers extension ay may 8 bagong LRT stations mula sa Redemptorist Stations, Mia Stations, Asia World Stations, Ninoy Aquino Avenue Station, Dr. Santos Station, Las Pinas Station, Zapote Station at Brgy. Niog Station.

Target ng pamahalaan na gawing operational ang unang phase ng proyekto sa huling quarter ng 2021.

“I want a partial operability on the last quarter of 2021. President Duterte has said to make the Filipino life comfortable. With the hottest moment today, our effort for today will boil down to make the Filipino life comfortable,” ani Tugade.

Kapag tapos na, ang isang oras at 10-minutong biyahe mula Bacoor, Cavite hanggang Baclaran ay inaasahang iikli sa 25-minuto.

Nasa mahigit sa 800,000 commuters ang mapagsisilbihan nito sa kasalukuyang 458,000 na halos doble ang bilang ng mga commuters ang makikinabang.

Kung maaalala, taong 2000 pa nang aprubahan ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang proyekto. Naantala lang ito dahil sa iba’t-ibang issue gaya ng right of way.

Taong 2014 nang igawad ang P64.9 billion na proyekto sa Light Rail Manila Corporation.

Pero dahil ito rin ang pumalit sa operasyon at maintenance ng buong Line 1 noong 2015 ay naantala muli ang konstruksyon ng extension.

PANOORIN: SA WAKAS! SIMULA NA NGAYON NG ACTUAL CONSTRUCTION NG LRT-1 CAVITE EXTENSION PROJECT

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Loading…

0