BAGONG KASO: Lalaki, patay sa matapos magpositibo sa hantavirus sa China

BAGONG KASO: Lalaki, patay sa matapos magpositibo sa hantavirus sa China

Hindi paman natatapos sa krisis sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang buong mundo, panibagong kaso ng virus ang naitala sa China.

Sa ulat sa Global Times at Daily Mail, isang lalaki ang namatay matapos magpositibo sa “hantavirus” sa China.

Nagmula ang lalaki sa Yunnan Province at pumanaw habang pauwi ng Shandong Province galing sa trabaho sakay ng chartered bus nitong Lunes, Marso 24.

Ayon sa Centers for Disease Control and Prevention, ang “hantavirus” ay isang pamilya ng mga virus na nagmumula sa mga rodent gaya ng mga daga.

Nakukuha ito sa pamamagitan ng contact sa mga bagay na kontaminado ng ihi, tae o laway ng mga rodent.

Nakakapagdulot ito ng hantavirus pulmonary syndrome at haemorrhagic fever with renal syndrome.

Gayunpaman, nilinaw ng ilang eksperto na hindi ito bagong virus at bihirang naipapasa sa pagitan ng mga tao.

“The hantavirus first emerged in 1950s in the American-Korean war in Korea. It spreads from rat/mice if humans ingest their body fluids. Human-human transmission is rare. Please do not panic, unless you plan to eat rats,” sabi ni Swedish scientist Dr. Sumaiya Shaikh.

Source: Abante News