fbpx

Rappler, nagpasaklolo sa Supreme Court para ipatigil ang nationwide ban sa kanila sa pag-cover kay Pangulong Duterte



Dumulog na sa Supreme Court (SC) ang kampo ng online news site na Rappler para ipatigil ang nationwide ban sa kanila sa pag-cover sa mga events ni Pangulong Rodrigo Duterte

Isinumite ng Rappler sa SC ang kanilang petition for certiorari at application for writ of preliminary mandatory injunction.

“The ban is based on personal determination that Rappler or its journalists are ‘liars’ or peddlers of ‘fake news.’ This so-called power which has no basis in law, effectively creates another layer of governmental regulation on the press, that is for a member of the press to continue as such, he/she/it should not be branded by the government branch as ‘fake news,’ ayon sa 74 na pahinang petisyon.

Ayon sa mga reporter na sina Pia Ranada, Mara Cepeda, Camille Elemia, Ralf Rivas at manager ng Rappler na tumatayong petitioner sa kaso, ang pagbabawal ng Pangulo sa kanilang mga mamamahayag na sumama sa mga events ay paglabag sa press freedom, free speech, due process, at equal protection.

READ:  Pangulong Duterte, dumating na sa China; dagdag na ‘Build, Build, Build’ projects target sa ika-4 na pagbisita

“We filed only now because we wanted to find other solutions first, outside of a case. First, we waited because we thought he (Duterte) might change his mind. When this did not happen, we wrote to Malacañang officials to let us cover specific events. They did not reply to us,” ani Ranada sa isang Viber message.

Naniniwala ang Rappler na ang ban ng Pangulo ay isang paghadlang o pagpigil sa kanilang karaptan.

Noong March 1, 2018, sinabi ng Rappler na naglabas si Pangulong Duterte ng isang open-ended order na sa kanilang paniwala ay nagbabawal sa kanila na gampanan ang kanilang tungkuling na i-cover ang Pangulo.

Iginagalang naman ng Malacañang ang paghahain ng petisyon ng Rappler sa SC para tuldukan na ang kanilang coverage ban sa mga presidential events ng Pangulo.

Magugunitang February, 2018 nang pagbawalan ng mga taga-Rappler na makapasok sa Malacañang at makapag cover sa iba pang presidential events dahil sa hindi patas na pagbabalita.


Like it? Share with your friends!

Leave a Comment