in

Vice Ganda, todo suporta kay Otso Diretso candidate Chel Diokno: Matalino, magaling at matino

Todo suporta ng Showtime host at comedian na si Vice Ganda ang isa sa mga senatorial candidate ng Otso Diretso na si Chel Diokno.

“Matalino, magaling at MATINO si CHEL DIOKNO. Iboboto ko siya para sa lahat ng Madlang People na naghahangad ng bansang may hustisya,” sabi ni Vice sa kanyang post sa Twitter.

“Sana maisama niyo rin siya sa iboboto niyong 12,” apela pa ni Vice sa kanyang mga followers.

Ilan pa sa mga “CHELebrity” na sumuporta o nag-endorso kay Diokno ay sina Kris Aquino, Vilma Santos-Recto, Dingdong Dantes, Enchong Dee, Bianca Gonzalez, Jaime Fabregas, Janine Gutierrez, Pepe Herrera, Chito Miranda, Ebe Dancel, Bullet Dumas, at Johnoy Danao ng 3D, Bayang Barrios, Noel Cabangon, Cookie Chua, Medwin Marfil ng True Faith, Bituin Escalante, at Buddy Zabala.

Mababatid na nakatikim ng matinding banat si Diokno mula kay dating PNP chief Bato dela Rosa sa isang debate ukol sa death penalty at drug war ng administrasyon.

WATCH: CHEL DIOKNO SUMALANG SA ‘FAST TALK’

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Loading…

0