fbpx
≡ Menu

Lolong nag-donate ng P1-M sa KAPA, namatay matapos malaman na ipapapasara ni Pangulong Duterte

Inatake sa puso ang isang matandang lalaki sa Polomolok, South Cotabato matapos malaman na ipapapasara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Kapa-Community Ministry International o Kabus Padatuon (KAPA) ni Pastor Joel Apolinario.

Ayon sa salaysay ng anak ng namatay na si Ambrose Alojado, unang nag-donate ang kanyang tatay na si Percival Alojado, 76-anyos, ng P400,000 sa KAPA.

Lumago raw ang ibinigay na P400,000 ni Percival na umabot hanggang P1 million, ngunit ini-donate ulit ito sa KAPA para mas lalong lumaki at maibigay sa kanyang mga anak at mga apo.

Nagbigay umano ng P150,000 si Percival sa KAPA na nakapangalan sa kanyang anak ngunit wala pa itong natatanggap na ‘blessing’.

“My father pawned our farm lot for P400,000 and used it to join KAPA in January this year. After a month, he was supposed to start receiving the so-called “blessing” but opted to donate more in the names of his seven children and grandchildren.”

“He donated P150,000 in my name, but I have yet to receive the “blessing” or “payout” or “love gift,” pahayag ni Ambrose.

Labis umano na nakaapekto sa kalusugan ni Percival ang nasabing balita dahilan upang ito ay inatake sa puso at namatay.

Sa ngayon, panawagan ni Ambrose na hayaan ni Pangulong Duterte ang KAPA na mag-operate para mabawi nila ang kanilang perang ipinasok sa KAPA.