fbpx
≡ Menu

Marikina-Ortigas cable car system, pinag-aaralan na ng Duterte government upang lumuwag ang daloy ng trapiko

Marikina-Ortigas cable car system, pinag-aaralan na ng Duterte government upang lumuwag ang daloy ng trapiko

Pinag-aaralan ang pagkakabit ng cable car system mula Marikina City hanggang Ortigas sa Pasig City bilang alternatibong paraan sa mabigat na daloy ng trapiko sa kahabaan ng EDSA at Metro Manila.

Nakikipagtulungan na ang Department of Transportation (DOTr) na sa mga inhinyero at Asian Development Bank (ADB) para sa naturang proyekto.

Pinaplanong ilagay ang cable system sa LRT-2 Santolan Station (Marikina) hanggang Ortigas, ayon sa DOTr.

Nagbigay na ang bansang France ng P27 milyon para sa pag-aaral ng proyekto.

“The technology is very, very feasible in terms of relieving congestion and being able to provide high quality transportation service,” ayon sa consultant ng proyekto.

Inaasahang makukumpleto ang pag-aaral sa buwan ng Disyembre.

“One of the main goals of this study is to show, to explain, that this system is not just for tourism. That this system has a valuable and prospect idea for urban transport,” paliwanag ni ADB senior railway specialist Ruediger Zander.

“It has to compete with jeepney fares. So you cannot charge more than what people are used to (paying),” dagdag pa ni Zander.

Nag-alok naman si Transportation Secretary Arthur Tugade ng P26 milyong deal para sa cable car system sa La Union papuntang Baguio City.

Duda naman ang publiko kung gagana nang maayos ang cable cars sa Pilipinas, na isa sa mga tinitingnang solusyon ngayon ng DOTr upang lumuwag ang daloy ng trapiko.

Sabi kasi ni Steven Dale, founding president ng Creative Urban Projects Inc., kaya nang makabuo ng cable car system sa mga traffic hotspot sa bansa sa loob lamang ng isa hanggang dalawang taon.

“It’s often easier to implement or quicker to implement primarily because of the land requirements, smaller land requirement,” aniya.

Gayunpaman, matatagalan talaga sa feasibility at design studies bago masimulan ang proyekto.

Taong 2016 noong unang palitawin ni noo’y incoming DOTr Secretary Arthur Tugade ang pagkakaroon ng cable car system para hindi na umano magdagdag ng mga kalsada.

Ang balak nito noon ay cable gondola na maaa­ring magsakay ng 45 mga pasahero, at mula lima hanggang sampung kilometro ang haba.

Bukas din sa suhestiyon ni Tugade si Baguio City Mayor Benjamin Magalong upang lagyan ng cable cars mula Baguio patungong Pugo, La Union.

Inalala naman agad ng publiko ang mga posibleng aberyang kaharapin kapag naipatupad ang ganitong sistema ng transportasyon.