fbpx
≡ Menu

Pangulong Duterte, tumangging gumamit ng bulletproof glass protection sa kanyang talumpati sa General Santos City

Inutusan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Presidential Security Group (PSG) na tanggalin ang bulletproof glass panel sa kinatatayuan niya habang nagsasalita sa General Santos City.

“Bakit ninyo ako babarilin wala naman akong kasalanan sa inyo? Pumili kayo dito sa kanila, mga dating military, general. Huwag na iyong mga politiko kasi naglilingkod lang kami sa inyo,” saad ng Pangulo.

“Tanggalin niyo nga ito. Ayoko magsalita. Gusto ko ‘pag namatay ako kayo ang sisisihin,” dagdag niya.

Sinabi ng commander ng PSG na si Brigadier-General Jose Eriel Niembra na bahagi ang bulletproof glass ng security protocol kapag nagtatalumpati ang Pangulo sa open arena.

Kapag dumadalo din noon sa mga campaign rally, kadalasang nasa likod ng bulletproof glass ang Pangulo.

Nasa General Santos City ang Pangulo para mamahagi ng titulo sa mga agrarian reform beneficiaries.