in

Mga huling sandali bago pinatay ang 16-anyos na si Christine Silawan, nakunan sa CCTV

Sa isang press conference, ibinahagi ng National Bureau of Investigation Central Visayas (NBI-7) ang kanilang imbestigasyon ukol sa kaso ng pagpatay sa 16-anyos na si Christine Silawan.

Ayon sa NBI, nakatulong ang kanilang mga nakuha mula sa Facebook account ni Silawan dahil isa umanong person of interest ang lumabas mula rito.

Nadakip ng mga tauhan ng NBI ang 17-anyos na suspek sa brutal na pagpatay sa dalagita sa Barangay Bangkal, Lapu-Lapu City, Cebu.

Positibo rin itong kinilala ng ilang eye witness na siyang kasama ng biktima noong gabi ng Marso 10, 2019.

Napag-alaman rin na dating kasintahan ng biktima ang person of interest base sa kanilang pag-uusap sa Facebook Messenger.

Lumabas rito na may usapang magkikita ang dalawa noong Marso 10 sa isang simbahan sa Barangay Pajac bandang 6:00 ng gabi.

Ilang larawan rin na kuha mula sa mga CCTV sa lugar ang ibinahagi ng NBI.

Mula sa kuha noong 5:50 ng hapon, makikita si Silawan kasama ang kanyang kaibigan na kumakain ng balut.

Bandang 6:00 ng gabi, unang nakita ang person of interest sa isang CCTV papunta sa simbahan sa Pajac.

Base sa oras sa CCTV, 6:12 ng gabi, nakita si Silawan na lumabas mula sa simbahan ilang minuto pagkatapos nitong pumasok kasama ang kaibigan.

Maya-maya pa’y nakita na si Silawan kasama ang person of interest na naglalakad magkasama.

Sa huling larawan na kuha sa CCTV, nakita ang dalawa sa isang lugar malapit sa bakanteng lote kung saan natagpuan ang bangkay ni Silawan.

Base sa postmortem findings, namatay ang dalaga bandang 6:00 hanggang 7:00 ng gabi.

Ayon naman sa resulta ng Medico-Physical na ginawa sa person of interest, mayroon itong mga marka ng kalmot sa kaliwang braso na tumutugma sa tagal mula nang maganap ang krimen.

Nilinaw ng NBI na ang person of interest lamang ang taong huling nakita na kasama ni Silawan noong Marso 10, mga sandaling huling nakita na buhay pa ang dalaga na positibo namangg kinilala ng mga eyewitness.

At dito huling nakunan ng CCTV si Silawan at ang  person of interest, malapit sa lugar kung saan nakita ang bangkay ng biktima.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Loading…

0

Leave a Comment