fbpx
≡ Menu

Magkasintahang nagkakilala dahil sa larong Mobile Legends, ikakasal na

Nag-viral ngayon sa social media ang kuwento ng pag-iibigan ng magkasintahan na nagkakilala dahil sa isang mobile game.

Sa isang Facebook post, ibinahagi ni Lou Dela Serna kung paano niya natagpuan ang kanyang ‘forever’ dahil sa sikat na larong Mobile Legends.

“Nag-ML. Nagka-love life. Ikakasal. I said ‘yes’!” masayang caption ni Lou kasabay ng mga larawan nila ng kanyang kasintahang si Renz Reyes.

Ibinahagi ni Lou na sa kabila ng posibilidad na mabigo sa relasyon na nagsimula dahil sa Mobile Legends, pinili nilang sumugal sa pag-ibig.

“Sa dami ng narinig at na-witness kong failed relationship na naganap sa ML. Ito yung masasabi kong naging proof na hindi lahat ganon. Sino ba naman mageexpect na sa kaka-ML ko ay do’n ko din makikilala ‘yong forever ko?” aniya.

“Hindi ko naman itatago. Hindi maganda ang simula ng relasyon namin pero…nagtake kami ng risk para rito at ngayon, masasabi ko talaga na worth it lahat ng sinuko namin para magkasama. It made me realize that what I have right now is much better than what I have before,” dagdag niya.

Ayon kay Lou, naniniwala siya na si Renz ang lalaking noon pa man ay hinihiling niya sa Diyos.

“Love, thank you kasi ikaw na ikaw yung taong hinihiling ko kay God. I’ve been waiting patiently. Now He gave me you. I love you so much!” pahayag niya.

Katulad ni Lou, labis ding nagpapasalamat si Renz sa pag-ibig na natagpuan niya dahil sa pagkahilig niya sa nasabing mobile game.

“Sabi nila, wala raw ako mapapala sa paglalaro ko–pero pinalad ako,” wika niya.

Pero paano nga ba napagtagumpayan ng dalawang taong nagkakilala sa paglalaro ng Mobile Legends ang hamon ng pag-ibig?

Narito ang buong salaysay ni Lou:

Nag-ML. Nagka-lovelife. IKAKASAL.

I SAID “YES”! ❤️☺️

(Mahaba haba to guys. Pa-isa lang)

Sa dami ng narinig at nawitness kong failed relationship na naganap sa ML. Ito yung masasabi kong naging proof na hindi lahat ganon. Sino ba naman mageexpect na sa kaka-ML ko don ko din makikilala yung FOREVER ko. ☺️

Una pa lang alam ko naman na na ikaw yung “THE ONE” for me. Nagkakaintindihan tayo sa lahat ng bagay and as we go along… don ko narealize na hindi rin parati masaya. May pagtatalo, may iyakan, may mga bagay na hindi natin gusto mangyari pero nung nangyayari lahat ng yon… mas napatunayan ko na mahal mo talaga ako at mahal talaga kita. Sobrang natutuwa ako kung pano tayo bumangon at kung pano tayo nagtutulungan sa isat isa pag nadadapa tayo.

Hindi ko naman itatago. Hindi maganda simula ng relasyon namin pero alam namin pareho ni Pein nagtake kami ng risk para dito at ngayon.. masasabi ko talaga na worth it lahat lahat ng sinuko namin para magkasama. It made me realize that what I have right now is much better than what I have before. ❤️

Love, thank you kasi ikaw na ikaw yung taong hinihiling ko kay God. I’ve been waiting patiently. Now He gave me you. I love you so much!

So kung akala niyo tapos na kwento ko eto marami pa. 😂 Pwede niyo na hindi basahin tong part na to. ☺️

Ang dami kasing nangyari. Lilipad kami papuntang Singapore for FSL Tournament ng June 6-11. Una nakakatuwa kasi pinayagan kami ng boss na isama siya. Ok na. Nakapagbook na. Biglang after MPL S3 nag-announce na June 19-23 is MSC 2019. Kung sasama pa siya. Hindi enough yung time para magpractice siya with his teammates. Gets ko naman yon. I have to understand and give way. Work na namin to eh. Pero deep inside. Masakit talaga. Di lang masakit sa puso. Masakit din sa bulsa kasi nakapagbook na din kami ng accommodations namin. Pero ganon talaga nangyayari yon. Lalaban pa rin tayo.

Tapos eto na. FSL Tournament na. Bottomline is.. hindi kami naging champion. 3rd place kami sa tournament. Masakit nanaman ulit. Masakit kasi ibinigay mo lahat. Ginalingan mo na. Binuga at pinalabas ko n lahat ng demonyo ko sa katawan ma-steal lang yung lord. Maubos lang ung kalaban. Pero hindi enough. Hindi pa siguro tlg para samin. Pero dpt positive lang tayo eh. Babangon dapat tayo.

Tnry ko naman maging masaya. Bago kami lumipad pabalik ng Pinas. Nag-Universal Studios kami. Yung totoo 2 rides lang napuntahan ko kasi wala mahina na din talaga puso ko. Nadepress pa ko kasi don ko nafeel na hindi na tulad ng dati ung katawan ko. Yung worry ko sa health ko yung dahilan ng anxiety attacks ko. Pero bangon lang ulit. Humihinga pa ko. Lalaban lang tayo ulit.

Pagbalik ko ng Pinas ineexpect ko lang tlg mayakap ko si Pein para mawala n lahat ng lungkot sa katawan ko. Wala tlg akong idea na paguwi ko, magppropose na siya. 2hours of sleep lang meron ako. Sa plane na kami natulog after USS. Uuwi ka wala ka nang ganda kasi kinain k n ng pagod. Paguwi ko ng unit. Biglang may happy birthday na kanta. With cakes and video preparations ni Pein. Tapos may nakalagay sa video ng “To be continued…” (Hindi pa rin ako aware) Akala ko kasi may lalabas pa sa screen pero hinihila n nila ko sa kwarto. Nililingunan ko p rin ung screen. Bangag n nga talaga kasi ako sa antok 😅 Tapos pagbukas ng pinto una ko pang napansin is ung hanging balloons with pictures namin. Una ko pang tanong “Sino nagpaprint ng pictures?” 😂 Tapos next ko napansin ung bulaklak. Tpos niyakap ako ni Pein nagthank you ako. Don ko lang nabasa ung “Will you marry me” niya kasi ineexpect ko Happy Birthday nakalagay don kasi nga birthday ko. Ayon nga bangag na tlg ako. Hahaha. Tapos ayon naaaaa. Engaged na ko! ❤️

Super thank you sa lahat ng mga tumulong kay Renz Reyes to make this happen. Alam kong hindi niya to magagawa without you guys. ❤️❤️