in

OPEN LETTER: Nagpakilalang alyas ‘Bikoy’ na si Peter Joemel Advincula, manloloko sa isang beauty pageant

This is my first time ever to post like this in a social media!!!! Dahil sa kabalastugang ginawa samin last night beauty pageant “BUDOL”

The Miss Ambassadress “Este” Scambassadress 2018!!!! Dahil lahat kami nag effort ng Pagod, Puyat, Pera, at Oras sa walang kwentang pageant na hindi namin inaasahan na ganun pala ang resulta scammer pala ang organiser!!!

WARNING: Siya si Peter Joemel “PJ” Advincula na nanloko, ng estapa at ng budol sa amin. Ang lalaking ito ay nagpapageant na hindi binayaran ang mga kandidata nanalo man o natalo, judges, host, handlers, dancers tabulators at sound system.

Sa oras din ng pageant mula simula hanggang natapos hindi ito nagpakita sa amin. Ginamit mo lang kaming lahat para mabili ang mga ticket at tinda mong pabango. Mag-iingat sa taong dito ang opisina niya na EXODUS PHI79 MARKETING ay matatagpuan sa Dunao, Ligao City. Ang kompanya ng ARDEUR DE FRANCE ang kanyang ginamit upang mas maniwala sa kanya ang mga taong naloko at na-estapa niya. may pakuha kuha kapang guest galing sa ‘That’s My Bae’ lahat kami niloko mo. Kung sino man po ang nakakaalam kung nasaan ang lalaking ito maari niyo pong ipagbigay alam sa amin upang maturuan ng leksyon ang manlolokong estapador na kalbo.

For the information of everybody na nag-iisip samin bakit pa kami tumuloy sa pageant na yun. Kasi screening pa lng ang ganda ng mga paliwanag niya na walang problem sa pera and everything kasi lahat daw naka-settle na okay and ready na so naniwala naman kami kasi yun naman ang kalakaran ng pageant sa ilang taong na namin sa industriya ng patimpalak na ang prizes ay nakukuha namin after the show. Kasi wala namang beauty pageant na nag-cash advance bago mag-pageant in short pagtapos na. So natapos na nga ang pageant wala na ang organiser at ang mga staff hindi nila alam kung saan kukunin ang premyo at sino magbabayad saming lahat na nabudol niya.

Sa “ANDREUR de France perfume and company makipag ugnayan na kau at gawan niyo ng action ang problemang ito kasi kayo ang naka-front dito. Alam naming lahat tayo ay biktima ng budol ni Mr. PJ Advincula para sa inyong kapakanan na hindi masira ang company niyo dahil ginamit kayo ni Mr. Advincula. So let’s make action to this big problem.

Sa lahat ng NABUDOL, NALOKO, AT NAABALA please share this post para madaling mahanap si Mr. Advincula upang makasuhan at pagbayaran niya lahat ng NAPINSALA niya! Salamat po.

Tanya Herrera (August 12, 2018)

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Loading…

0