in

Higit 1,000 adik, nasagip sa rehabilitation program ng administrasyong Duterte sa Nueva Ecija

Isa sa ambisiyosong proyekto ng Duterte administration ay ang Mega Drug Abuse Treatment and Rehabilitation Center (Mega DATRC)sa Fort Magsaysay sa Nueva Ecija pero tila hindi ito masyadong napapansin dahil abala ang mga kritiko at mainstream media sa pagpuna sa mga napapatay sa drug war campaign.

Sa ulat ni Erwin Tulfo, ibinahagi niya ang mga nagawa ng nasabing center at kung ano ang mga naging epekto nito sa mga kababayan natin nalulong sa masamang bisyo.

Ang center ay kayang mag-accommodate ng 10,000 drug dependents at may iba’t-ibang pasilidad tulad ng gym, palaruan, at classrooms.

Wala namang nagastos ang gobyerno sa nasabing proyekto dahil donasyon ito ng Chinese businessman na si Huang Rulun matapos kausapin ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang proyekto ay patunay na may malasakit ang kasalukuyang gobyerno sa mga kababayan nating nalulong sa ipinagbabawal na gamot. At taliwas sa ibinibintang ng ilang kritiko na basta na lang pinapatay ang mga sangkot sa droga.

Sa ngayon, nasa 1,000 drug dependents ang ginagamot sa nasabing rehab na karamihan ay sumuko sa Oplan Tokhang ng pamahalaan.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Loading…

0

Leave a Comment