fbpx

Antonio Trillanes at Leila de Lima, nais makita ang tattoo sa likod ni Paolo Duterte



Hinamon ni Sen. Antonio Trillanes IV si presidential son at dating Davao City Vice Mayor Paolo Duterte na patunayan na wala siyang kinalaman sa illegal drug trade base ukol sa isang black propaganda video na kumakalat sa social media.

Itinanggi naman ni Trillanes ang mga paratang na siya umano ang mastermind sa nasabing video.

Sa kaniyang inilabas na pahayag, binati ni Trillanes ang sinumang nasa likod ng video laban sa pamilyang Duterte.

“First of all, let me congratulate the people behind the videos that linked the Duterte family to illegal drugs! The accusations of the witness were very serious, quite pointed and well-explained,” ani Trillanes.

“Having said that, I really wish I was part of the making of the videos so I could relish these moments but sadly I am not. In the meantime, I am looking forward, as everyone else, to the next episode,” aniya pa.

READ:  Pangulong Duterte, personal na nakiramay sa mga biktima ng magnitude 6.1 na lindol sa Pampanga

Saad pa ng senador, dapat na umanong patunayan ng pamilya ni Pangulong Rodrigo Duterte na wala silang kinalaman sa droga at pirmahan na ang waiver para masuri ang bank account nito.

“When you (Duterte) falsely accused me of having offshore bank accounts, I confronted it squarely and didn’t stop until I was able to debunk your lies. And when you realized na napatunayan ko na hindi totoo ang mga paratang mo, umatras ka at inamin na inimbento mo lang yun. Ano, ganun na lang yun? Until your next lie?” pakli nito.

Hinamon naman nito si Paolo na ipakita na ang tattoo sa likod na iniuugnay niya sa isang drug syndicate, maging sa video ay sinabing may code name umano sa likuran na mag-uugnay sa kanya sa droga.

“Kaya ang hamon ko sayo, pumirma ka ng bank secrecy waiver para ipakita na hindi ka corrupt at hindi galing sa droga ang mga bilyon bilyon mo sa bangko. Ikaw naman Polong, ipakita mo na lang ang likod mo, ang dami mo pang arte,” saad nito.

READ:  Boss raw ni ‘Bikoy’: Rappler, Vera Files nasa likod umano ng ‘Oust Duterte’ plot

Ito rin ang hamon ni Sen. Leila de Lima para umano matuldukan ang mga alegasyon na sangkot ang anak ni Pangulong Duterte sa operasyon ng droga sa bansa.

“There’s just one easy thing to do on the part of Paolo Duterte to put closure to this lingering issue about his alleged involvement in the illegal drug trade. Show his back. Does he have a tattoo or not? If so, what tattoo? Simple! Is that too much to ask? Aren’t tattoos meant to be shown or displayed?” saad ni De Lima.

“He had a chance to do that during the Senate hearing when challenged by Sen. Trillanes. He blew it. Here’s another chance. If he has nothing to hide, Polong must go for it,” diin pa ni de Lima.


Like it? Share with your friends!

Leave a Comment