fbpx

CHR, umalma sa pananabon ni NCRPO Chief Guillermo Eleazar sa tiwaling pulis



Posible umanong nalabag ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Guillermo Eleazar ang karapatang pantao o human rights ng dinuro, dinibdiban, at kinuwelyuhan nitong pulis na naaresto dahil sa pangingikil.

Matatandaang humingi na ng paumanhin si Eleazar sa nagawa niya kay Police Corporal Marlo Siblao Quibete.

Ayon kay Eleazar, nadala lang umano siya ng kanyang galit matapos mangikil ang pulis ng P200,000 mula sa drug suspect kapalit ng kalayaan nito.

Nasilip umano ito ng Commission on Human Rights (CHR) at sinabing maaaring may mga karapatang pantao na nalabag si Eleazar kabilang na ang right to dignity ng sinaktang pulis.

“Maaaring may na-violate siya doon sa right to dignity, right to presumption of innocence, right to humane treatment and all that. Iyan ’yung mga posibleng karapatang pantao na nalabag,” sabi ni CHR spokesperson Jacqueline de Guia.

READ:  Pres. Duterte at Chinese Pres. Xi Jinping, tinalakay ang isyu sa West Philippine Sea

Like it? Share with your friends!

Leave a Comment