in

LRT Line 2 East Extension Project, 60% nang kumpleto; 3 oras na biyahe ay magiging 40 minuto na lang

Abot-kamay na ang matagal nang pinapangarap ng mga kababayan nating taga-Rizal dahil mula sa (3) tatlong oras na biyahe sa bus o jeepney, magiging 40 minuto na lang ang commute mula Antipolo, Rizal patungong Recto, Maynila oras na matapos ang rail line extension.

“To give the Filipinos a comfortable life as President Rodrigo Duterte directed, we at the DOTr are working on ways to efficiently and effectively ferry our commuters. The LRT2 East Extension project ranks among such projects, for this shall ease the travel of our kababayans coming from Rizal to Manila. Once this is completed, travel time from Recto to Masinag will be reduced to 40 minutes compared to up to three hours travel via bus or jeepney,” pahayag ni Transportation Secretary Arthur Tugade.

Hudyat ng pagsisimula ng final phase ng proyekto ang ceremonial track laying at installation ng electromechanical system (EMS), na isinagawa sa LRT Line 2 Emerald Station sa Marikina ngayong araw, ika-16 ng Abril 2019.

Ang EMS ay binubuo ng signaling system, overhead catenary system, telecommunications system, power supply at distribution system, na gagamitin sa dalawang bagong istasyon ng LRT Line 2 – ang Emerald Station sa Marikina at Masinag Station sa Antipolo.

Kasalukuyan nang nasa 60% completion rate ang kabuuan ng proyekto at na tina-target ng Department of Transportation (DOTr) at Light Rail Transit Authority (LRTA) na matapos sa fourth quarter ng taong 2020 upang makapagbigay ng maayos at mas mabilis na biyahe sa mga commuter ng eastern Metro Manila.

Ayon sa DOTr, kumpleto na ang package 1 ng fkabilang ang pagtatayo ng viaduct noon pang Marso 2017 habang 78 porsiyento na ang natatapos sa dalawang istasyon.

“The first two phases of the project had a smooth implementation. Today’s track laying and EMS installation signify the culmination of the project and the realization of the much-awaited answer to the clamor of the commuting public from the eastern areas of Metro Manila for a fast, affordable and convenient means of mass transit system,” ayon kay LRTA Administrator Reynaldo Berroya.

Ang four-kilometer extension ay dagdag sa kasalukuyang 13.8 kilometrong biyahe ng LRT2. Ang extension project ay inaasahang magdaragdag ng 80,000 pasahero sa 240,000 arawang pasahero ng LRT2.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Loading…

0