fbpx
≡ Menu

5 brand ng suka, natuklasang gawa sa synthetic acetic acid na posibleng magdulot ng cancer

5 brand ng suka, natuklasang gawa sa synthetic acetic acid na posibleng magdulot ng cancer

Naglabas ang Food and Drug Administration (FDA) ng listahan ng mga synthetic acetic acid na suka o sukang gawa sa kemikal na posibleng magdulot ng cancer.

Ayon sa FDA, magsasagawa sila ng inspeksyon sa pasilidad ng mga kumpanyang gumawa ng mga nasabing suka.

Sabi ni Health Undersecretary Rolando Enrique Domingo, ang mga naturang suka ay may iba’t-ibang expiration dates na pinaghihinalaang gawa sa hindi natural na sangkap.

  1. Surebuy Cane Vinegar
  2. Tentay Pinoy Style Vinegar
  3. Tentay Premium Vinegar
  4. Tentay Vinegar Sukang Tunay Asim
  5. Chef’s Flavor Vinegar

“Any artificial matter such as synthethic acetic acid or any cloudifying agent deems the vinegar adulterated hence, it must not be sold to the public,” saad sa advisory ng FDA.

Nilinaw naman sa advisory na walang masamang epekto sa kaligtasan ang mga suka, bagkus substandard lang ang kalidad ng mga ito at hindi dapat ibenta sa merkado.

“The presence of synthetic acid merely represents that the vinegar did not undergo fermentation, either through a slow process, quick process, or submerged culture process which is used for commercial vinegar production,” ayon pa sa FDA.

Batay sa pag-aaral ng Philippine Nuclear Research Institute (PNRI), walo sa sampung vinegar products sa merkado ay gawa sa “synthetic acetic acid”.

Ayon kay PNRI Director Carlo Arcilla, dapat may karagdagang tatak ang mga brand ng vinegar na naghahalo ng synthetic acetic acid sa kanilang suka.

Kapag sinabi raw kasing vinegar ang isang sangkap ay dapat gawa ito sa natural na sangkap.

“Hindi tinatawag na vinegar ‘yan. Puwede namang non-fermented acetic acid. ‘Yan po ang sabihin kasi as I said hindi siya masama (kahit) di siya pure,” ani Arcilla.