≡ Menu

Hidilyn Diaz, naghihirap na? Humirit ng financial support para sa 2020 Summer Olympics

Hidilyn Diaz, naghihirap na? Humirit ng financial support para sa 2020 Summer Olympics

Umaapela ngayon ng financial support ang Pinay weightlifter na si Hidilyn Diaz kasabay ng kanyang paghahanda para sa pagsabak sa 2020 Tokyo Summer Olympics.

Sa kanyang Instagram Stories, isiniwalat ng 28-anyos na Olympian ang kanyang kasalukuyang estado sa buhay.

“Is it okay to ask sponsorship sa mga private companies towards Tokyo 2020? Hirap na hirap na ko, I need financial support,” saad ni Diaz.

Diin ni Diaz na bagama’t hindi ito ang nais nitong paraan para mangalap ng suporta, ginawa niya ito para sa kanyang pangarap na masungkit ang unang gold medal ng bansa sa Olympics.

“Nahihiya kasi ako, pero try ko kapalan mukha ko para sa minimithi kong pangarap para sa atin(g) bansa na maiuwi ang Gold Medal sa Olympics,” ani Diaz.

Matatandaan na tinuldukan ni Diaz noong 2016 ang pagkauhaw ng bansa sa medalya sa Olympics nang makasungkit ito ng silver sa Rio De Janeiro, Brazil.

Dahil sa pagkakapanalo ni Diaz, personal na nagbigay ng dagdag na premyo na P2 million si Pangulong Rodrigo Duterte maliban sa P5 million na incentive mula sa gobyerno.

WATCH: HIDILYN DIAZ GETS P2M BONUS FROM DUTERTE

WATCH: HIDILYN DIAZ, EMOSYONAL SA PAGKAKADAWIT SA “OUST DUTERTE MATRIX”