fbpx

17-anyos na dalagita patay matapos pagbabarilin sa Tondo; napagkamalan umano na babaeng ‘binagsakan’ ng droga



Napagkamalan lang umano ng suspek ang 17-anyos na dalagita na kaniyang pinagbabaril sa Tondo, Maynila habang bumibili ng pagkain.

Naniniwala ang pulisya na mistaken identity ang pangyayari dahil bago raw ang pamamaril, tinawag ng suspek sa ibang pangalan ang biktima na si Ronalyn Jamon.

Labis ang pagdadalamhati ang ina ng biktima na si Desiree Cordero, na pinagbabaril malapit lang sa kanilang bahay.

Sa kuha ng CCTV ng Barangay 129, makikita ang salarin na lumapit sa biktima at naglabas ng baril na itinutok sa biktima.

Tinawag daw ng salarin na “Juanabie” si Jamon bago dahan-dahan na lumayo. Pero ilang saglit lang, bumalik ang salarin at doon na pinagbabaril ang biktima.

Ayon kay Cordero, may kilala siyang “Juanabie” na kasingkatawan at kaayos din ng buhok ng kaniyang anak.

Batay naman umano sa impormasyon na natanggap ng pulisya, sinabi ni Police Lieutenant Colonel Reynaldo Magdaluyo, MPD-Station 1, na umorder o binagsakan ng bulto ng iligal na droga pero hindi nakapagbayad ang punterya ng suspek.

READ:  20 miyembro ng NPA sa Eastern Samar, nalibing ng buhay dahil sa magnitude 6.5 na lindol

“Nakikiusap tayo sa kaniya na kung maaari magpakita siya o sumurender siya, makipag-ugnayan sa aming tanggapan para sumailalim siya sa aming protective custody,” panawagan ni Magdaluyo.

Sa follow-up operation, nadakip ng mga awtoridad ang sinasabing look-out sa krimen na si Alfie Cubelo, 30, binata ng Barangay 129 Balut, Tondo, na tumangging magbigay ng pahayag.


Like it? Share with your friends!

Leave a Comment