fbpx
≡ Menu

DOTr bumuwelta kay Grace Poe: Hindi ugali ni Sec. Arthur Tugade ang matulog sa pansitan

Bumuwelta ang Department of Transportation (DOTr) sa naging patama ni Senator Grace Poe na dapat nang palitan sa puwesto bilang kalihim ng ahensya si Arthur Tugade dahil sa hindi umano malutas-lutas na problema sa trapiko.

“When it comes to traffic and when it comes to dealing with solution for the traffic mess, I think somebody else should take his place. He did not perform and I’m sorry to say. I’m not here to make people look bad. I’m here to present the truth and find the solution,” sabi ni Poe.

Ayon naman sa statement ng DOTr sa kanilang Facebook page, nilinaw nito na hindi kasama sa mandato ng departamento ang traffic management.

“Una sa lahat, nais po naming klaruhin na ang traffic management ay hindi bahagi ng mandato ng DOTr. Bakit po ba lumutang ang pangalan ni Secretary Tugade sa pagresolba ng traffic?” ayon sa pahayag.

Klinaro din ng ahensya kung bakit nadadawit ang pangalan ni Tugade sa problema sa trapiko na kinakaharap sa Metro Manila.

“Taong 2016, hiningi po na mabigyan ang Pangulo ng emergency powers upang makatulong sa pagresolba ng traffic sa bansa. Sa proposed bill na hindi naman po naisabatas, si Secretary Tugade ang nakalagay na traffic czar. Sana po malinaw. Hindi ‘ho sa naghuhugas ng kamay. Nagsasabi lamang ‘ho ng totoo,” saad pa sa statement.

Inisa-isa rin ng DOTr ang bawat proyektong nagawa sa panunungkulan ni Tugade, kabilang ang mga airport project at apat na sinimulang railroad project.

“Madam Senator, hindi ‘ho ugali ni Secretary Tugade ang matulog sa pansitan. Kaya nga ‘ho nagpapatupad ang Kagawaran ng 24/7 construction at nagpapairal ng partial operability timelines dahil mismo sa kagustuhan niyang makapaghatid agad ng serbisyo-publiko sa transportasyon sa mga Pilipino. ‘Yan po ang aming Kalihim. TRABAHO, GAWA, at hindi puro salita.”

Samantala, sinabi ng Palasyo na nananatili pa rin ang tiwala ni Pangulong Rodrigo Duterte na masosolusyunan ni Tugade ang krisis sa trapik sa bansa matapos naman ang panawagan na magtalaga ng traffic czar.

“Of course, Mr. Tugade has already laid out the table in the Senate. He is suggesting that emergency powers be granted to the President as he previously did. But the problem is he wasn’t able to get it, that’s why the President was no longer interested,” sabi ni Presidential Spokesperson at Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo.

Kinontra rin ni Panelo ang panawagan ni Poe na dapat nang magbitiw si Tugade.

“Hindi ako naniniwala doon. Maybe Senator Grace has a person in mind, why don’t she come out with it,” giit ni Panelo.

“Of course, Mr. Tugade has already laid out the table in the Senate. He is adjusting that emergency powers be granted to the President as he previously did but the problem is, he wasn’t able to get it that’s why the President was no longer interested,” dagdag pa niya.

Kasabay nito, sinisi ni Panelo si Poe sa patuloy na problema sa trapik sa EDSA matapos umanong tutulan ang emergency power para kay Pangulong Duterte.

“Ikinalulungkot niya, nalulungkot din ako para sa kanya. Kasi, kung hindi nila kinontra iyong pangangailangan at that time, siguro wala na tayong problema sa EDSA,” sabi ni Panelo.

Sinabi naman ni Panelo na hindi pa rin tuluyang sarado ang Pangulo sa posisyon sakaling bigyan siya ng emergency power ng mga mambabatas.

“If you are talking possibilities – sky is the limit. Antayin na lang natin. Lahat iyon probable, alam mo naman si Presidente. He announces something and then when circumstances change, he changes his position,” dagdag ni Panelo