in

Homemade Pepper Spray, epektibong pangdepensa ng mga kababaihan laban sa masasamang tao

Patok ngayon sa mga netizen ang homemade pepper spray ni Marry Ferjel Babasa na mas epektibo pa kesa sa mga nabibili sa mall.

Ayon kay Marry, dumarami na naman daw ang masasama ang loob kung saan ang madalas na biktima ay mga kababaihan.

Sinasabing mas matapang at mas epektibo raw itong pangdepensa kumpara sa mga pepper spray na nabibili sa komersyo.

Gumamit si Marry ng empty spray bottle, maraming sili na tinadtad niya ng husto upang mas lumabas ang anghang, pagkatapos ay nilagay ito sa bote na may kaunting tubig.

Para raw masubukan kung gaano katapang ang ginawang pepper spray, maari raw subukan ito sa papel saka amuyin kung gaano kalakas ang epekto nito.

Samantala, maraming netizens ang nagpakita ng pagtangkilik sa homemade pepper spray ni Marry lalo na ang mga kababaihan na nais protektahan ang kanilang sarili.

Nakalulungkot daw isipin na tumataas na naman ang bilang ng mga krimen sa bansa na ang madalas na biktima ay mga walang kalaban-laban na kababaihan.

BASAHIN ANG BUONG POST MULA SA FACEBOOK ACCOUNT NI MARRY:

First: Kailangan natin ng spray bottle. Pwede yung used or bili kayo sa stores like miniso. Ganern. Depende sa inyo kung anong size ang gusto niyo. Pinili ko na ganiyan lang ang size para madaling dalhin at hindi siya mapapansin agad pag hawak or kinuha sa bag kasi macocover siya ng kamay ko. Okay, next!

Second: Bili kayo ng sili. Mas marami mas okay pero depende din sa size ng bottle niyo. Yung sa tingin niyo kakasya. Neeeeext!

Third: I-chop niyo yung sili. Marami yan, hindi lang ‘yan yung tatlong nasa picture kanina. Next 😊

Fourth: Oh diba, sabi ko sainyo marami yun eh. Ilagay niyo yung chopped na sili sa bottle. Neeeeeext!

Final: Lagyan niyo ng water tapos shake shake shake then charaaaaaaan! Tapos na.

PS: Wash your hands after ng procedure. Para ma-test niyo kung effective, try niyo i-spray sa katabi niyo. Charot! Kuha kayo ng plastic or paper tapos i-spray niyo dun then amoyin niyo. Maaamoy niyo kung gaano katapang ang aroma. Okay? Okay.