in

DOTr, sinisi ni Grace Poe sa nabigong emergency power ni Pangulong Duterte laban sa traffic crisis

Para kay Sen. Grace Poe, walang ibang dapat sisihin kundi ang Department of Transportation (DOTr) kaya nabigong maipasa ang emergency power ni Pangulong Rodrigo Duterte sa paglutas ng problema sa trapiko sa bansa.

Sinabi ni Poe na naipasa sana noong nakaraang Kongreso ang emergency power ni Pangulong Duterte upang masolusyunan ang lumalang daloy ng trapiko kung naibigay lamang ng DOTr ang listahan ng proyekto sa trapiko.

‘Any bill that will improve the quality of public services must certainly be prioritized. Its approval, however, will depend on a lot of factors—the cooperation of both Houses of Congress, the clarity of its objectives, compliance by agencies to the important data required and, if absolutely necessary, a certification of urgency from the President,” ayon kay Poe.

Dahil dito, ipinaalala ni Poe sa DOTr na dapat isumite kaagad ang lahat ng kinakailangang listahan ng mga espisipikong proyekto kabilang ang traffic management plan.

“As regards the emergency powers being filed again, it is best for the DOTr to be reminded of what the other Senators were asking for last Congress, particularly the specific list of projects as well as the traffic management plan to counter the effects of numerous infra projects in relation to the worsening traffic,” aniya.

Sinabi ni Poe na suportado niya at ng Senado ang anumang solusyon sa traffic congestion sa Metro Manila at iba pang lugar sa bansa.

“We also welcome any support from our colleagues in the Senate and House of Representatives on the issue. Wala sa iisang tao ang bigat na ibigay ang emergency powers,” ani Poe.

Aniya, lahat ng senador ay gustong maipasa ang panukala, nabigo nga lang sanhi ng kabiguan ng DOTr na magsumite ng listahan ng proyekto na sasakupin ng naturang kapangyarihan.

“Everything must be well-defined. Hindi puwede ang blanket grant of emergency powers under the Constitution. And of course, we will also need the support of the President to rally his troops in both Houses to support the bill. If the administration wants it, they can certify it as urgent,” paliwanag ni Poe.

“Lahat tayo gusto ng solusyon sa trapik. Pero dapat malinaw ang saklaw, may epektibong solusyon sa trapiko, at hindi mauuwi sa korapsyon,” dagdag pa ni Poe.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Loading…

0