in

San Miguel Corporation, inialok ang 140 million liters tubig kada araw mula sa Bulacan Bulk Water Supply

Nag-alok ng tulong ang San Miguel Corporation (SMC) upang matugunan ang water shortage na nararanasan ngayon sa East Zone ng Metro Manila.

Ayon kay SMC President Ramon Ang, kaya nilang makapagbigay ng 140 million liters ng malinis na tubig kada araw mula sa kanilang Bulacan Bulk Water Treatment Plant kung pagpayag ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ang kanilang mungkahi.

“This situation is unfortunate and dire for many of our countrymen who do not have access to basic water. Many are affected: Households, hospitals, schools, businesses. Right now, the best thing we can do is to pull together and help each other,” sabi ni Ang.

Nitong Enero pa lamang ay sinimulan na ang operasyon ng stage 1 ng kanilang Bulacan Bulk Water Project.

Sa oras na makumpleto ito’y may production capacity na 200 million liters ng tubig kada araw na magsusuplay sa 24 Bulacan water districts sa halagang P8.50 per cubic meter – pinakamurang singil sa tubig sa bansa.

Sa kasalukuyan ay 60 million liters ng tubig kada araw lamang ang nagagamit dahil ang ilang water districts ay hindi pa handang tumanggap ng tubig mula sa pasilidad.

“This leaves an excess capacity of about 140 million liters per day, which is enough to serve the average daily requirements of two million people or about 455,000 households,” ayon kay Ang.

“As a quick response to the situation of customers of Manila Water, we will coordinate with the MWSS and local government units to secure permits to place water refilling stations in affected areas,” dagdag pa nito.

Dahil dito ay mayroon silang sobrang 140 million liters ng tubig kada araw na maaaring ibigay sa East Zone at makatutulong sa 2 million katao o 455,000 kabahayan.

Ayon kay Ang, ramdam nila ang sitwasyon na sinasapit ng mga mamamayan sa kakulangan sa tubig at ang pinakamagandang gawin sa ngayon ay magtulungan.

Kakailanganin ng SMC ang 14,000 na truck trips kada-araw na may 10-kiloliter tankers o 7,000 truck trips na may 20-kiloliter tankers para maihatid sa mga residente ang 140 million liters ng tubig.

Sa oras na maaprubahan ang alok ng SMC, ang quick-response plan ay ipatutupad sa susunod na apat na buwan hanggang matapos ang El Niño phenomenon sa bansa.

Handa naman ang SMC na i-explore ang long-term solutions sa problema sa tubig upang maiwasan ang ganitong problema.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Loading…

0

Leave a Comment