fbpx
≡ Menu

Bishop Pablo David, todo-tanggi sa koneksyon kay Bikoy at sa planong pagpapatalsik kay Pangulong Duterte

Bishop Pablo David, todo-tanggi sa koneksyon kay Bikoy at sa planong pagpapatalsik kay Pangulong Duterte

Itinanggi ni Caloocan Bishop Pablo Virgilio David, bise-presidente ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang pagkakaugnay sa Liberal Party (LP) hinggil sa planong pagpapatalsik kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang pahayag ni David sa kaniyang Facebook post na may titulong In Pursuit of Truth: Death Under Investigation and Bikoy Under Investigation.

Mababatid na muling humarap sa media si Peter Joemel Advincula alyas Bikoy kung saan inihayag nito na nagkaroon ng pulong si Bishop David kasama si Sen. Antonio Trillanes IV at isang alyas Jonel sa kaniyang bahay sa Caloocan City.

“Last Monday “Bikoy” appeared in another press conference sponsored by the PNP claiming that he had attended a meeting with me and Senator Trillanes and a certain Jonel at my residence Caloocan city. First of all, I wish to make it clear that I have never had the privilege of meeting with Senator Trillanes in person and I do not know the Jonel he was talking about,” ayon sa pahayag ni Bishop David.

Iginiit ng David na walang naganap na pagkikita at pulong sa pagitan ni Trillanes at hindi niya rin nakilala ang nangangalang Jonel.

“Lately, the man has also implicated so many other names, including those of Church leaders and religious personalities who may have made no other mistake than believing that the man’s life was really in danger and that he needed sanctuary,” pahayag ng Obispo

“Now that he has changed his story and is implicating practically all personalities in the opposition—insinuating that he had merely been used by them in a supposedly well-orchestrated plot to unseat the government—“his truth” (according to the PNP Director) needs to be investigated,” ayon pa sa Facebook post.