in

Apela ni Rappler CEO Maria Ressa na ibasura ang kasong cyberlibel, ibinasura ng Korte

Ibinasura ng Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 46 ang apela ng Rappler at CEO nitong si Maria Ressa at dating researcher na si Reynaldo Santos, JR. na ibasura ang kasong cyberlibel na isinampa laban sa kanila ng negosyanteng si Wilfredo Keng.

Sa 9-pahina na resolusyon ng Manila RTC, ibinasura ni Judge Rainelda Estacio-Montesa ang motion to quash dahil sa kakulangan ng merito.

“The re-publishing of the article is the illegal act imputed to Rappler Inc., as the publishing platform of the article, which accusation as supported by the prosecutor’s resolution and attached documents the court finds probable cause to proceed with the trial of the case,” saad sa desisyon ng Manila RTC.

Nag-ugat ang kasong cyberlibel matapos magreklamo si Keng sa artikulong isinulat tungkol sa kanya noong May 2012.

Kinatigan naman ito ng Department of Justice (DOJ) matapos na makitang ini-republished ito noong Pebrero 2014 na sakop umano ng cyberlibel law.

Pero apela ng Rappler sa kanilang motion to quash, Abril 2014 lang nang naging epektibo ang naturang batas.

Samantala, dahil sa pagbasura ng apela, nakatakdang matuloy ang arraignment sa kaso ng Rappler, nina Ressa at Santos sa April 16.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Loading…

0