in

Bam Aquino, muling nakabalik sa Magic 12 ng partial at official tally ng Comelec; Bong Revilla, nasa ika-13 na puwesto

Muling nakapasok sa “Magic 12” ang senatorial bet ng Otso Diretso na si Sen. Bam Aquino habang nangunguna pa rin si Sen. Cynthia Villar sa bagong Commission on Elections (Comelec) results.

Sa partial at official tally ng Comelec as of 9:30PM ng Huwebes, May 16, nasa 12th spot si Aquino na may 11,001,047 votes; si Bong Revilla na nasa 13th spot na may 10,988,697 votes; at si Sen. JV Ejercito na bumaba sa 14th spot.

Sa ngayon ay nasa 129 certificates of canvass (COC) mula sa kabuuang 167 COCs ang na-canvass na ng Comelec.

Narito ang bagong ranking ng top 12 sa senatorial race:

  1. Cynthia Villar (NP) – 19,383,224
  2. Grace Poe (IND) – 17,043,889
  3. Bong Go (PDPLBN) – 15,685,847
  4. Pia Cayetano (NP) – 15,330,363
  5. Ronald “Bato” Dela Rosa (PDPLBN) – 14,529,585
  6. Sonny Angara (LDP) – 14,023,811
  7. Lito Lapid (NPC) – 12,628,054
  8. Imee Marcos (NP) – 12,618,428
  9. Francis Tolentino (PDPLBN) – 11,975,435
  10. Koko Pimentel (PDPLBN) – 11,283,357
  11. Nancy Binay (UNA) – 11,041,386
  12. Bam Aquino (LP) – 11,001,047
  13. Bong Revilla (LAKAS) – 10,988,697
  14. JV Ejercito (NPC) – 10,984,412
  15. Jinggoy Estrada (PMP) – 8,654,021

Samantala, umabot na sa 97.79 percent ang na-prosesong election returns o katumbas ng 46.7 million mula sa 63.6 million registered votes batay sa partial at unofficial results ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV).

Nasa 1st spot si Sen. Cynthia Villar na may 25,029,675 votes; Grace Poe na may 21,856,981 votes; at Bong Go na may 20,353,737 votes.

Hindi parin nakakapasok sa winning circle si Sen. Bam Aquino na nasa 14th spot na may 14,054,642 votes.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Loading…

0

Leave a Comment