in

Guro, arestado matapos ayaing makipagtalik ang kanyang estudyante kapalit ng pagpasa nito sa English

Naaresto na ang isang lalaking guro matapos na nakita sa loob ng isang lodging house kasama ang 17-anyos na estudyante nito sa lungsod ng Cebu.

Ayon kay Captain Armando Labora, hepe ng Parian Police Station, sinabi nito na humingi sa kanila ng assistance ang ama ng biktima matapos daw na nagbanta ang 24-anyos na guro na ibabagsak ang anak nito sa English subject kung hindi gagawin ang kanyang gusto.

Dahil dito, agad na nagsagawa ng operasyon ang pulisya at naaktuhan ang guro na kasama ang estudyanteng menor sa isang hotel na may sekswal na ginagawa.

Inihayag ni Labora na base sa statement ng guro, nagpapamasahe lang diumano ito sa kanyang estudyante dahil sa kanyang nararamdamang “stress” at walang naganap na pagtatalik.

Ngunit inamin ng biktima na may “nangyari” sa kanila ng kanyang guro, bagay na napilitan lamang siyang gawin dahil umano sa pagbabanta na ibabagsak ito sa klase.

Nakakulong na ang suspek sa Parian Police Station at kakasuhan ng paglabag sa Republic Act 7610 o Anti-Child Abuse Law.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Loading…

0