in

13-anyos na babaeng estudyante, ginulpi ng higit sa 20 babaeng kapwa-estudyante sa Pangasinan

Isang babaeng estudyante sa Lingayen, Pangasinan ang nagtamo ng pasa sa noo at namamagang mga kamay matapos pagtulungang bugbugin ng higit sa 20 babaeng kapwa-estudyante na pawang mga menor de edad.

Nag-aabang lamang umano ng kaniyang masasakyan ang biktimang 13-anyos nang lapitan umano ito ng isang grupo ng mga estudyante at inayang magpunta ng baywalk.

“Kung hindi pupunta, aanuhin ako sa Lunes. Tapos ‘yon na, sumama ako kasi nanguna ang takot ko baka sabunutan ako,” kuwento ng biktima.

Pagdating nila sa baywalk, doon na daw siya pinagtulungang sinabunutan at pinagsusuntok ng higit sa 20 babaeng estudyante na pawang mga menor de edad din.

Nang makahanap ng tiyempo, tumakbo ang biktima sa loob ng expo at nagpasaklolo sa security guard malapit sa lugar.

Humarap naman sa mga opisyal ng Barangay Libsong West ang grupo ng mga estudyante at kanilang mga magulang, pati na ang biktima na kasama naman ang ina.

Ayon sa ina ng biktima, nag-aalala siya sa kaligtasan ng kaniyang anak kaya kinausap na rin ng pamunuan ng paaralan ang mga estudyante at kanilang mga magulang.

Sa huli, nagkasundo ang mga magulang ng mga estudyante at ang ina ng biktima, na tutulungan sila sa nagastos sa pagpapagamot.

Tinututukan naman daw ng pulisya ang pagbuwag sa mga “gang” o grupo ng mga estudyante na maaaring nagdudulot ng masamang impluwensya sa mga kabataan.

PANOORIN: 13-ANYOS, KINUYOG DAW NG HIGIT SA 20 BABAENG KAPWA-ESTUDYANTE

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Loading…

0