fbpx
≡ Menu

P458-M Pigalo Bridge sa Isabela na inayos ng Duterte gov’t, pinasinayaan at bukas na sa publiko

P458-M Pigalo Bridge sa Isabela na inayos ng Duterte gov’t, pinasinayaan at bukas na sa publiko

Matapos ang halos walong taon na paghihintay ay pinasinayaan at bukas na sa publiko ang isa sa pinakamahabang tulay sa Lalawigan ng Isabela.

Higit sa P458 million ang ginugol ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte upang maipatayo ang 500-meter na tulay sa bayan ng Angadanan, Isabela na nag-uugnay sa bayan ng San Guillermo.

Magugunita na taong 2011 nang sirain ng magkasunod na bagyong Pedring at Quiel ang dating Pigalo Overflow Bridge kaya’t ilang taon din nahirapan ang mga magsasaka sa paglalabas ng kanilang mga produkto patungo sa kabayanan.

Noong 2017 nang pasimulan ang nasabing proyekto matapos na ilapit ito ng mga kongresista ng Isabela sa tanggapan ng Pangulo dahil hindi ito naisakatuparan sa panahon ng administrasyon ni Noynoy Aquino.

Inaasahan naman na muling babalik ang sigla ng kalakalan sa bayan ng San Guillermo at Angadanan, Isabela dahil sa nasabing proyekto.