in

60-anyos na lalaking nanghalay ng 5-anyos, inaantok at naalimpungatan kaya ginawa ang krimen

Nahaharap sa kasong rape ang isang 60-anyos na lalaki na inaresto matapos na nangmolestiya sa isang 5-anyos na kapitbahay nito sa Pasay City.

Ayon kay Police Col. Bernard Yang ng Pasay PNP, nakita ng kapatid ng 5-anyos na babae na lumabas ang bata sa common CR ng kanilang gusali sa Bgy. 150 na sinundan ng suspek.

Nang tinanong ng mga kapamilya ang bata, inamin ng bata na pinahawak ng lalaki sa kaniya ang ari nito.

Sinamahan naman ng atworidad ang ama ng bata para hulihin ang suspek, na tagahugas ng pinggan sa isang karinderya.

Sabi ng suspek, inaantok at naalimpungatan daw siya kaya minolestiya ang bata. Tinanggi naman ng suspek na nakainom siya o lango sa iligal na droga.

Tila balewala sa suspek kung siya ay makulong at inamin naman nito ang ginawang krimen.

Samantala, pinasusubaybayan na ang bata sa eksperto upang masiguro na magiging maayos pa rin ang kalagayan nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Loading…

0

Leave a Comment