in

Hi-Tech robotic equipment na kayang gumawa ng 700 plaka kada oras, ibinida ng Duterte administration

Upang mapabilis ang paggawa ng plaka, ibinida ng Land Transportation Office (LTO) ang isang makabagong robotic equipment na ginagamit sa pag-manufacture ng vehicle license plates sa kanilang plate-making facility sa Quezon City.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr) kaya ng IDeROBOT System na gumawa ng 700 plaka kada oras, na ngayo’y nagdudulot ng mas mabilis, mas sistematiko at mas ligtas na paggawa ng plaka.

Sa isang 8-hour shift, tinatayang aabot sa mahigit ng 5,600 plaka ang maipo-produce sa isang araw,

Binisita rin ni LTO chief Assistant Secretary Edgar Galvante ang self-renewal kiosk na makikita na rin sa iba’t-ibang malls sa buong bansa.

Inaasahang makatutulong ito sa pagpapabilis ng proseso sa renewal ng lisensya.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Loading…

0