in

8 patay sa magnitude 6.1 na lindol; 40 na-trap sa bumagsak na supermarket sa Porac, Pampanga

Sumampa na sa walong katao ang naiulat na nasawi sa Pampanga matapos ang magnitude 6.1 na lindol sa Luzon, Abril 22, Lunes ng hapon.

Ayon kay Pampanga Governor Lilia Pineda, dalawang matanda ang nasawi sa bayan ng Lubao habang tatlo sa gumuhong gusali sa Porac at tatlo naman ang nakuhang patay sa mga nire-rescue sa makakapal na debris.

“Sa Barangay Sta. Cruz sa Lubao, dalawa. Tapos itong sa Porac yung naguhong building, tatlo na yung patay, sa ngayon tatlo na yung nakuhang patay kasi nirerescue na sila, makakapal yung debris,” pahayag ni Pineda.

Samantala, tinatayang nasa 20 pa ang mga taong na-trap nang mag-collapse ang apat na palapag na Chuzon Supermarket, kung saan 20 na ang nailigtas.

Samantala, sa isang pahayag ay sinabi ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na nagpadala na ito ng 10 tauhan para tumulong sa rescue operation sa Porac, Pampanga.

“MMDA to send a team composed of 10 personnel from its Public Safety Division to help in search and rescue operations at Porac, Pampanga. The team will leave at 9pm tonight,” pahayag ng ahensya.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Loading…

0

Leave a Comment