in

72-anyos na lalaki, arestado dahil sa pagbebenta at pagpupukpok ng mga aso sa ulo sa Bulacan

Arestado ang isang 72-anyos na lalaki at isang kasamahan niya nang lusubin ng ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)-Bulacan at Animal Kingdom Foundation ang isang bentahan at katayan ng aso sa Barangay Manatal, Pandi, Bulacan.

Nakilala ang suspek na si alyas “Boy Pukpok” o Danny Cruz na isa umanong stroke survivor.

“Pinupukpok niya ‘yung aso sa ulo, i-travel nila para hindi gagalaw, para hindi mahulog sa tricycle,” sabi ni Police Staff Sergeant Dexter Pagales.

Nang tanungin ang suspek kung alam niyang bawal ang ginagawang pagkatay at pagbenta ng aso, ang sabi ni Cruz, “Alam ko. Wala na akong… hanapbuhay. Pati malapit na ang buhay ko.”

Nahuli rin ang isang kasama ni Cruz, habang nakatakas ang isa pa.

Nasa 4 na patay na asong nakasako ang na-recover ng mga awtoridad sa isinagawang raid habang dalawang aso naman ang masuwerteng nakaligtas.

Mahaharap ngayon ang mga suspek sa reklamong paglabag sa Republic Act 8485 o Animal Welfare Act.

Naktakda namang isailalim sa rehabilitasyon at pangangalaga ang mga nasagip na aso.

“Yung aso kasi, hindi naman siya for human consumption at hindi siya healthy ipapakain sa tao. Ang aso po ay man’s best friend,” paalala ni Allan Pekitpekit ng Animal Kingdom Foundation.