Tsino, nakitaan ng 700 bulate sa utak at baga dahil sa pagkain ng hilaw na baboy

Tsino, nakitaan ng 700 bulate sa utak at baga dahil sa pagkain ng hilaw na baboy

Nasa 700 na “tapeworms” ang natagpuan sa utak at baga ng isang lalaki matapos nitong kumain ng hindi pa gaanong lutong baboy sa China.

Sinugod sa isang ospital, 43-anyos, matapos lumabas sa kanyang bibig ang mga bulati na sanhi ng pagkawala niya ng malay.

Sa isinagawang MRI scan, ang mga bulati ay nakita sa kanyang utak at dibdib, isang kondisyon na tinatawag na “cysticercosis at neurocysticercosis.”

Nabatid na ang parasitic larvae ay nakukuha sa hindi gaanong nilutong baboy, nabubuhay sa katawan ng tao, at pumapasok sa central nervous system na nagpapaigting sa seizures.

“He not only had numerous space-occupying lesions in his brain, he also had cysts in his lungs and chest muscles,” sabi ni Dr. Huang Jianrong ng Affiliated Hospital of Zhejiang University School of Medicine.

“Different patients respond differently to the infection depending on where the parasites occupy. In this case, he had seizures and lost consciousness, but others with cysts in their lungs might cough a lot,” dagdag nito.

Nabatid na posibleng nakuha ni Zhong ang mga bulate matapos kumain ng “hot pot” noong nakalipas na buwan, Disyembre 2019.

Pinainom umano si Zhong ng anti-parasitic drugs at unti-unti namang umayos ang pakiramdam nito sa kabila ng may senyales na nakikita ang mga doktor na nasisira na ang organs nito.

Si Zhongfa ay nakatira sa siyudad ng Hangzhou at pumunta sa pagamutan nang makita ang paggapang ng bulati sa kanyang bibig.

Sa inisyal na pagsusuri, hindi kaagad nalaman ng mga doktor kung ano ang nangyari kay Zhongfa hanggang isailalim ito sa scans.

Sinabi ng mga doktor na may ilang kaso kung saan namatay ang mga pasyente ng ganitong sakit.

Maari namang maiwasan ang ganitong kondisyon sa wastong paghuhugas ng kamay, pagluluto nang maigi ng kakaining baboy, at pag-inom ng malinis na tubig.

Source: Abante News, Daily Mail